Chapter 23

7K 372 84
                                    

Auster's pov

"Oh, what are you doing here bakla?" Nagmamatang tanong nito sa akin. Pansin ko din ang pagkabigla sa mga mata nya.

"Natatandaan kong inutusan ko si Thrace not to let anybody in, specially if hindi naman importanteng tao. Now i'll be asking you one last time. What are you doing here?" Mataray nitong saad habang di ko mawari kung inaayos ba nya ang buhok nya or lalo lang nyang ginugulo.

Mariin ko syang tinitigan at ang kabuohan nya.

"Look wala akong oras sa mga gaya mong basura." Saad nito nang mapansin ang titig ko sa kanya.

Nagtagisan kami ng titig. Ang sabi ni Uji sa akin ay walang karapatan ang babaeng ito na pumasok muli sa buhay nya, sa buhay namin.

"Look kung wal.." hindi ko na pinatapos pa ang kanyang sasabihin.

"Andito ako para sunduin ang boyfriend ko." Walang habas kong sagot dito.

"Hindi sya nakauwi kagabi kaya sinusundo ko sya." pilit kong tinatatagan ang sarili ko upang ipakitang malakas ako kahit na nadudurog na ako sa kaloob looban ko sa moment na ito.

Nag-iba ang bakas ng inis sa kanyang mukha at tila ba nang-aasar na tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

"Napaka-ambisyosong bakla. Kailanman ay hinding hindi ka papatulan ni Ryuuji. Katuwaan ka lang nilang magbabarkada at sa kasamaang palad sayo ay kumagat ka naman. Marupok na basurang bakla, wala kang puwang sa mundo ni Ryuuji. Sa mundo namin." pangiinsulto nito sa akin.

Napakuyom ako ng aking kamay sa tindi ng galit at emosyon na gustong kumawala sa aking dibdib. Napakasakit ng mga narinig ko mula sa kanya. Pero hinding hindi ako maniniwala hanggat hindi ko nakakausap si Uji. Si Uji lang ang paniniwalaan ko.

"And look at you. A lowly and filthy gay. Tingin mo ba makukuha mo ang atensyon ng isang kagaya ni Ryuuji na halos perpekto na? Saan mo ba hinuhugot yang kakapalan ng mukha mo?" dagdag pa nito.

"Eh yang kakapalan ng pagmumukha mo kaya ang kilatisin mo? Matapos mo syang iwanan sa ere para maging aso ng ibang lalake sa harap nya mismo, tingin mo ba nababagay na ngayon ang tao sa isang asal aso? Ang kapal din ng apog mong mang-insulto na akala mo ang linis-linis mo eh isa ka lang din namang parausan." Ang naibulalas ko nalang dahil sa sobrang inis sa pangiinsulto nito sakin. Alam ko ang lahat ng nangyari sa kanila dahil ikinuwento lahat sakin ni Uji ang nakaraan nila ng babaeng ito.

Isa yun sa dahilan kung bakit may tiwala parin ako kay Uji dahil alam ko ang pinagdaanan nyang hirap para tuluyang makalimutan si Tiarra.

Isang napakalutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Halos mahilo ako sa lakas ng sampal nya.

"How dare you!" Mariin nyang sigaw sabay duro at tulak sakin.

"Wala kang alam sa lahat ng pinagdaanan namin ni Ryu. Wala kang karapatang pagsalitaan ako. Ikaw na isang pobre at salot sa mundong ito. You're a dumb bitch!" Sigaw nito sabay akmang mananpal muli na agad ko namang napigilan.

"Mas lalong wala kang karapatang pagsabihan ako ng kung ano ano." Saad ko sabay tulak sa kanya ng mahina ngunit tila ba umaakting itong natumba kahit di naman ganun kalakas ang tulak ko sa kanya.

"Omae nanisama!?" Isang malaking boses mula sa aking likuran ang syang nagpabigla sa akin.

"Salot na bakla!" Saad ng boses sabay sampal naman sa akin ng aking lingunin.

Napatumba ako sa lakas ng sampal nya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? At sino ka sa akala mo para pagbuhatan ng kamay ang magiging manugang ko?" Galit na saad nito.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon