Chapter 10

17.2K 760 121
                                    

Hi guys! Di ko na naprivate ang chapter na ito for the sake of those na hindi nakafollow sakin, but in exchange ay lesser ang intensity ng mature content nito hahahaha.

Shout out to YusTimmy and Iamjaelopez. Updated na mga kwento nila guys hahaha napagiiwanan na ako. Gaganda na ng takbo ng kwento nila. Support nyo guys! And soon SOTUSEngineer will be joining our collab. Malalaman nyo na ang kwento ng pagmamahalan ng maingay at mapaglarong si alfred tale at ang seryoso sa buhay na si mark hope sa The playboy's toy. Another one of the dangerous men's story will be unfolded. Abangan guys!

Dedic time!
Dedicated ting chapter kay llJunholl. Thanks sa support.
Sa mga nagrequest na magpadedic kung meron man pls comment ka ahhh wala na kasi ako maalalang ibang nagpadedic hehehe.

Oh sya basa na guys!





Auster's pov

Ang bigat ng ulo ko na parang binibiyak sa gitna. Pinilit kong igalaw ang aking katawan sa malambot na kamang kinahihigaan ko ngayon. Agad na kumalat ang kirot sa aking buong likod at pang upo.

Malalim na hininga ang aking hinugot upang mapigilan ang daing mula sa sakit na nararamdaman. Mejo may kadiliman ang buong kwarto at sa nakikita kong oras sa digital clock nito ay alas kwatro pa ng umaga.

Nilingon ko ang taong mahimbing na natutulog sa aking tabi. Napakaperpekto ng bawat linya ng kanyang mukha. Mula sa may katamtamang taas ng buhok, sa noo na di ganoon kalapad, sa kanyang malalabong na kilay at mahahabang pilik mata, sa tangos ng ilong, sa hugis puso at mapupulang mga labi na akala mo ay ulap sa sobrang lambot at ang baba nyang nahahati sa gitna. Napakagwapong mukha. Hindi man sa pinagdarasal ko pero nagpapasalamat parin ako dahil sa sobrang hot at sobrang sarap ng nakakuha sa virginity ko. Tiba-tiba narin ako dahil sa nagmamalaki nitong pride.

Isa syang perpektong nilalang sa aking paningin. Ang mga haplos nya na tila ba biyaya ng kalangitan sa sobrang sarap. Ang mga halik nyang nagpapatuliro sa aking isipan. Tumatak lahat, pamula nang halikan ako nito ng marahas.

Flashback..

Nang maisarado ang bid sa akin ay agad na akong hinila ng isang babae paalis sa stage. Mabigat na ang ulo ko at parang gusto ko nalang humiga at tumingala sa langit. Ipinasok ako sa isang kwarto ulit kung saan nakaupo sa sahig si Dino. Tumabi ako dito at walang imik kaming naghintay hanggang sa sunod-sunod na ang pasok ng mga kasamahan namin. Ang kaninang maiingay na mga bibig ngayon ay tila tikom na. Alam kong pare-pareho kami ng nararamdaman ngayon. Gusto lang namin mahiga at magpahinga.

Hindi ko na alam kung ilang minuto pa ang hinintay namin ng buksan muli ang pinto ng mga bantay na armado at inutusan kaming tumayo at sundan sila.

Tinahak namin ang daan at tila papalabas na kami ng building. Madilim na ang paligid nang makalabas kami at may naghihintay nang van para sa amin kung saan isa-isa din kaming ipinasok.

"Dino sadya bang mainit ang van na ito or nilalagnat lang ako?" Bulong ko kay Dino ng makapasok kami sa van at umandar ito.

Lumingon ito sa akin at ewan ko lang pero parang may iba kay Dino. Ang titig nito ay tila ba kakaiba at parang sinusuri ang kaluluwa sa mga mata ko.

Iningat nito ang kamay at idinampi sa aking leeg ang likod ng kanyang palad. Parang tumindi ang init sa aking katawan ng magdikit ang aming balat. Diko maiwasang pasadahan ng tingin ang kamay nito paakyat sa kanyang balikat hanggang sa kanyang mga mata. Napakalapit ng mukha namin ngayon at may kung ano sa aming titigang dalawa.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon