Chapter 31

7.4K 433 87
                                    

Brave's pov

"Ang laki ng bahay mo bakla! Sa'yo ba talaga lahat ng toh?" Di mapigilang sigaw ni Color nung makapasok ito sa mansion.

Nanlaki na nga ang mga mata nya sa labas palang ng mansion kaya nung pumasok kami ay di na nito napigilang mapasigaw.

Tango lang at tawa ang sinagot ko dito habang nagpapaikot-ikot toh na akala mo isang prinsesa sa palasyo.

"Ginagawa mo Color?" Natatawa kong tanong dito na humiga na nga sa ilang baitang ng hangdan na nakacarpet.

"Ny#ta bakla! Hagdan palang parang higaan ko na oh. Tignan mo yung karpet malambot pa sa foam ng higaan ko! Beh, pwede nako matulog dito, promise!" May pataas taas pa ng isang kamay habang kala mo prinsesang babaita na nakahandusay sa hagdan.

"Ahh, sige kung gusto mo magpapababa nalang ako ng unan at kumot sa mga maid. Jan kana ahh. Wag na wag kang aakyat." Natatawa ko pading saad habang paakyat na ng hagdan. Sa lahat ng muwebles na pwede nyang damhin, yung karpet pa talaaga ng hagdan yung napagtripan.

Agad naman itong tumayo at sumunod sakin.

"Ikaw naman teh, hahayaan mo ba si elsa na humandusay lang ang beauty jan sa hagdanan? Of course not diba? You know na, ikaw si Ana ang pabebeng bida tas ako si Elsa ang.." di ko pinatapos ito ng sasabihin ng sumabat ako.

"Ang nakadroga?" Natatawa kong saad dito na kinakunot lang ng noo nito.

"Lapastangan ka sa beauty ng isang mahiwagang babaylan!" Pagiinarte nito.

"Babaylan ka lang! Dyosa ako!" Sagot ko naman dito. Agad naman itong yumuko na akala mo isang royal maid.

"Tumigil ka na nga sa kalokohan mo Color." Natatawa talaga ako dito kahit anong pigil ko.masarap kasama si Color, yung tipong pag bumuka bibig nya kasabay ng paglaho ng mabangong hangin ngpaligid nawawala rin ang bigat na nararamdaman mo kakatawa.

Hindi ko sinasabing mabaho hininga nya ahh, pero parang ganun na nga. Pero promise nakakatawa talaga sya.

Nang makaabot kami sa taas ay tinungo nito ang gitna na parang veranda pero nasa loob lang ng mansion.

"Ang swerte swerte ko talaga sa'yo besh. Ni sa hinagap hindi ko inakalang makakapasok ako at makakatira sa ganito kalaking mansion. Parang ikaw ang tumupad sa pangarap kong maging prinsesa." Nakangiti nyang turan habang iniikot ang tingin sa kabuohan ng loob ng mansion. Napakalaki naman kasi nito, mantikin mo ba namang dalawa yung hagdan na nagtatagpo sa gitna kung san naman nakalagay ang tila veranda sa loob ng mansion. At mula sa dito sa taas magpagmamasadan mo ang buong ibaba ng pati narin ang pinakanakakaagaw ng pansin, ang chandelier na puno ng mamahaling diamante.

Tumabi ako dito at sabay naming pinagmasdan ang buong mansio.

"Hayaan mo at sabay nating tutuparin ang mga pangarap natin, bes. Pero sa ngayon kailangan ko ang tulong mo. May mga tao pa akong kailangang singilin at may mga bagay pa akong dapat maangkin." Seryoso kong saad.

"Pak! Parang bida kontrabida lang ang dating ahh. Hayaan mo friend, hanggat kaya ko, tutulungan kita. Basta pangako mo bff tayo forever ok?" Nakangiti nyang turan habang taas taas ang kalingkingan.

"Ano na naman yan?" Natatawa kong tanong.

"Pinky swear! May ghaad Au ha. Di kaba nag-aral sa private school?" Pagiinarte nito na kinatawa ko nalang.

"Bakit sa private school kaba nag-aral?" Tanong ko pabalik dito.

"Hindi! Paprivate school pa ba ako eh ubos na pubic hair ng nanay ko dati nung nabubuhay pa sya kakasanla para lang may baon ako sa school tas magpapaprivate school pako? The nerve bakla ahh!" Pagmamaldita nito sakin na kinahalakhak ko ng sobra.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon