Chapter 5

15.6K 737 143
                                    

I dedicate this chapt to jodeyzjedoyz. Thanks sa support 😊

Auster's pov

Sobrang hiya ang aking naramdaman ng mga oras na yun. Ang masabihang walang kwenta at wreckless ay isang malaking insulto sa aking kakayahan bilang isa sa pinagkakatiwalaang waiter ng restaurant na ito. Balisa at naluluha akong pabalik balik ng lakad dito sa staff room.

Masyado akong preoccupied dahil bago pa ako umalis kanina ng bahay ay nahihilo si tita Bless kaya pinagpahinga ko muna ito. Alam kong tumatanda na si tita kaya hindi na rin nakakabuti sa kanya ang sobrang pagod sa pagtatrabaho. Sa biglaan nyang pagkahilo kanina ay tila ba ako nagising sa katotohanang kulang pa ang lahat ng ginagawa ko. Dahil kailangan ko pang dagdagan ang sikap upang tumigil na sa pagtatrabaho si tita.

Ngunit eto pa ang nangyari ngayon. Sana naman iconsider ni assistant manager ang nangyari at palampasin na muna ang nangyaring ito. Sa dami naman ng ginawa kong magaganda dito sa restaurant ay siguro naman sapat na iyong maging pakunswelo sa nangyari.

Nasa balisang palakad lakad ako ng bumukas ang pinto ng staff room at niluwa nito si Color.

"Au okay ka lang ba? Ano ba ang nangyari kanina?" Ang nagaalala nitong tanong sa akin.

"Color, ka-kasi may nasagi akong nakausling bagay malapit sa mesa nung gwapong masungit kanina. Kaya ayun natapon ko lahat ng drinks sa damit nya." Nauutal at garalgal na boses kong sagot sa kanya.

"Nako naman Au dapat nagiingat kang palagi. Buti hindi nagsumbong yung gwapong masungit na customer kanina sa assistant manager. Alam mo namang wala dito si sir Kiero eh. Ang timing mo namang sumablay." Pagaalo nito sa akin.

"Color, sabi niya kaya nya ako ipatanggal dito. Color hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho." Naiiyak kong saad dito.

Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Ipapacheck up ko pa si tita Bless. Kailangan ko ng pera para dun. Babale pa ako. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho.

"Oh, kalma ka lang. Wala namang inereklamo si gwapong chinito. Hindi ka mawawalan ng trabaho. Relax lang." Pagpapakalma nito sa akin.

"Sigurado ka ba?" Naluluha kong tanong.

"Oo kaya wag ka nang umiyak jan. Tsaka hindi ka basta basta mapapaalis dito anu ka ba. Ilang beses ka nang naging employee of the month eh. Ikaw lang inaasahan ng restaurant sa tuwing kukulangin ng staff. Paniguradong ikokonsidera yun ni assistant manager kung mangyaring may reklamo man sa iyo." Paninigurado nito.

Tila lumuwag ang aking dibdib sa sinabi ni Color kaya niyakap ko ito at nagpasalamat sa pagaalo sa akin.

Kumalas kami sa yakap at inayos ang sarili namin nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang di ko inaasahang tao.

"Cardario! Oras ng trabaho ngayon bakit nandito ka?" Malditang turan ni Ms. CORAtong baleleng.

Agad namang nagayos at nagpaalam si Color at lumabas na ng room.

"Ahh babalik na ho ako sa trabaho ma'am, sir." Kabado kong saad matapos maayos din at sarili.

Akmang lalabas na sana ako ng room ng harangin ni ms. Cora ang pinto.

"Not so fast. Akala mo ba hindi namin nakita ang ginawa mo kanina?" Taas kilay na saad ni ms. Cora habang tahimik lang si sir Jet sa tabi nito.

"Pa-pasensya na ho. Sir Jet, ahm humingi naman ho ako ng pasensya kanina sir." Nakita ko ang pagunawa sa mga mata nito. Alam kong mabait si sir Jet dahil isa sya sa mga kinagigiliwan na staff ng restaurant.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon