Chapter 37

7.5K 398 139
                                    

Dedicated to onlyjazzy13

Brave's pov

"I'm sorry, Chry." Paghihingi ko ng tawad habang nililinisan ang sugat sa kanyang labi.

Hinawakan lang nito ang aking kamay at ngumiti.

"I told you, never apologize for the things you did not do." Nakangiti nyang saad sa akin.

Hindi ko maiwasang maguilty dahil sa mga pinapakita nito sakin. Kahit naman kasi gustuhin ko ay tila naman ayaw ng puso ko na magbukas para kay Chryo. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa lahat ng sakit na naranasan ko, andun parin ang katiting na pagmamahal para sa lalaking nanakit sakin. Kahit anong waksi ko sa isip ko ay nananatili parin sya sa puso ko. Kung natuturuan lang sana ang puso, panigurado ay nagawa ko na ang paghihiganting inaasam ko.

Hindi ako dapat magpagapi sa natitirang agmamahal na meron ako para kay Uji. Tama na ang minsan, minsan na nagpakatanga ako.

"Are you okay?" Tanong ng lalaking kaharap ko ngayon. Kita ko ang concern sa kanyang mga mata.

"Wag mo nang isipin pa ang mga nangyari. Just focus on your vacation here. Kasi panigurado magiging busy ka ulit pag-uwi mo." Mahinahon nyang saad sa akin.

Tumayo ako at tinungo ang veranda. Nasa 3rd floor lang naman tong kwarto ko kaya mas tanaw ko ang dalampasigan kahit dis- oras na ng gabi.

"I'm actually here for a certain area na plano kong pagtayuan ng bagong business ko. Its never a vacation in the first place kaya wala rin akong oras magenjoy." Saad ko habang nirerest ang dalawang kamay sa hand rail ng veranda. Huminga ako ng malalim upang malanghap ang sariwang hangin ng dalampasigan.

Naramdaman kong isinukbit nito ang dalawang kamay sa aking tagiliran at isinandal ang baba nya sa aking balikat.

"Can't we just be like this forever?" Malambing nyang saad na yumayakap padin sa akin.

"This is not reality Chry. We cannot depend on moments like this. It's too serene and calm which is the irony of my life. Magulo ang buhay ko at mas lalo pa itong gugulo sa darating pang mga panahon." Saad ko saka kumalas sa yakap nya at humarap dito.

"At ayokong idrag ka sa gulo ng buhay ko. Wala kang ginawang masama sa akin mura pa noon at hanggang ngayon kaya hindi mo deserve ang masangkot sa kung ano man ang magiging kahantungan ng buhay ko." Puno ng sinseridad ko saad  habang nakatingin sa mga mata nyang tila nangungusap.

"Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin. Pero desisyon ko ang manatili. Don't think of me as an outsider Au, andito ako para ishare ang kung ano mang burden ang meron pa jan sa puso mo mula pa nung nakaraan." Hawak nya ang aking magkabilang pisngi ngayon at taimtim na nakatingin sa aking mga mata.

"At uulitin kong sasabihin sayo na kung hindi mo na kaya, andito lang ako. Handa akong pasanin ang bigat na nararamdaman mo." Buong puso nyang saad na tila ba nagpapanatag sa puso ko.

Tumukod ako at inabot ang kanyang pisngi upang mahalikan ko ito. Kita kong nanlaki ang kanyang mga mata.

"Sarap naman nun. Pwede isa pa?" Gulat parin nyang saad kaya naman pinalo ko na ito ng mahina sa braso.

"Tumigil ka, pumasok kana dun at isasara ko na ito mejo lumalamig na eh. Baka magkasakit pa tayo." Natatawa kong saad nakinangisi lang nya.

"Edi painitin natin para patas." Nakakaloko nyang tugon na may pataas taas pa ng kila.

Natawa nalang ako dito at tinulak ito papasok. Nanglumingon ako upang isarado ang kurtina ng  veranda ay nahagip ng mata ko ang isang lalaking nakatingin sa gawi ko.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon