Chapter 7

15.2K 741 143
                                    

Wanna shout out to my ex! Bwahahaha joke lang 😂😂 shout out to my co-writers of our collab book series dangerous men! YusTimmy and Iamjaelopez. Visit their profile guys hit follow and read their works. Mag eenjoy kayo. Special mention ang the insolent hunk and the casanova's nightmare.

This chapter is dedicated to iAmHaroldRivera. Salamat sa suporta! 😊😊



Ryuuji's pov

Nakakainis. Pero andito na ito. Wala na akong magagawa sa katangahan ng waiter ng moon cafe.

Pero alam kong may kakaiba sa kanya. Alam ko matagal na ang mga ala-alang iyon, but I just can't help myself thinking, they both have the same smile and eyes.

I may have a vague memory of him pero hindi ang ngiti nya. Hindi ang mga mata nya na laging nangungusap, mga matang ngumingiti sa tuwing masaya sya at tumatagos sa puso sa tuwing naiiyak sya. Those features of him that I can't forget.

Paano ko makakalimutan ang mga yun? Those parts of him that made me fall in love at that very young age. Sa mura kong edad ay nasubukan nang tumibok ng puso ko. Minsan lang kaming nagkita pero tumatak sa akin ang bawat ngiti nya. Ang ngiti ng mata nya. Ang pagiyak nya. Lahat yun tumatak.

"Magpalit ka ng damit Ryu, basa ka." Umandar ang pagkatatay nitong si Thrace. Pero naiintindihan ko sya. Eh sa hindi na ito nakapagasawa pa kaya ako na tinuturing nitong anak eh.

Kinuha nito ang damit sa compartment ng kotse sa may harap at iniabot sa akin. Hinubad ko na ang basang damit. Binuksan ko ang plasic box kung saan nakapaloob ang maayos na nakatuping damit. Sa ilalim nito ay maayos na nakafold naman ang isang towel na may signature brand.

Hinubad ko narin ang sando shirt ko saka pinunasan ang katawan ko habang nasa loob ng sasakyan.

Isang white v-neck shirt lang ito pero okay na rin kesa naman basa akong babalik sa office ko.

Habang binabagtas ng kotse ang daan papuntang office ay mataman akong nakatitig sa labas ng bintana ng sasakyan.

Ang tagal na din pala mula ng nangyari iyon. I was 9 years old that time when I met him sa bahay nila.

That cute little boy named brave. Yung bilugan nyang mata na laging nakangiti at yung mga ngiti nyang nakakagaan sa puso.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni dad before para isama ako sa isang napakalaking mansion. Napagalaman kong ang mga Casteros ang nagmamay-ari nito.

I was so bored that day. Dapat kasi makikipaglaro ako sa mga kaibigan ko sa circle. But dad insisted that I should go with him para daw ay maging malapit ang loob ko at maging kaibigan ang anak ng nililigawan nyang investor.

And his dad introduced him to me. A 7 years old little boy na sobrang cute at amo ng mukha. At first, I hated him dahil ang hinhin nya. Imbes na maglaro ng basketball o di kaya ay baril barilan na syang madalas naming nilalaro ng mga kaibigan ko ay pagpipitas ng bulaklak ang inaatupag.

Nakakainis sya dahil para syang babae. Nakakainis, pero nakakatuwa rin. Iniwan ko sya sa bulwagan ng ganden nila dati dahil ayokong mamitas ng mga bulaklak. Mas gusto kong manghuli ng insekto tulad ng mga grasshopper at dragonflies.

Maangas ako kaya madalas tinatanggalan ko ng mga paa ang mga insektong walang kalaban-laban sa akin. I can feel power over things tuwing ginagawa ko iyon. Pakiramdam ko kasi dominante ako at walang makakapigil sa lahat ng gusto kong gawin. I don't really understand why there is this wanting inside of me to be always on top. To always go after what I want.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Where stories live. Discover now