Epilogue

9K 306 61
                                    


Brave's pov

I am looking at my reflection right now. Mejo napapabuntong hininga pa. It's our honeymoon tonight and I don't know how to make this night a bit different from the others. I don't know how to make this night a bit special.

Hindi naman kaila that sex is just a regular thing for the both of us, kaya nahihirapan akong mag-isip kung ano ang gagawin, baka kasi maging sobrang boring ng gabing ito at masasayang lang ang ginastos ni Uji for this night.

Napabuntong hininga nalang ako ulit saka tumuloy sa bathing area ng suite na ito. Nasa isang 5 star hotel kami ngayon dito sa London. Hindi ko inexpect ito. I thought he will give us a tour around the Philippines, yun pala around Europe ang surpresa nya sa amin ng mga bata.

Just this morning, we made a vow to each other. Hindi ko maiwasang ngumiti habang naglalakad nang muli kong maalala ang mga kaganapan kanina.

Flashback

"Dad, kelangan mo nang magmadali. Malelate tayo sa pupuntahan natin. Naghihintay na raw sina daddy Uji at Levi." Untag ng anak ko sa akin.

Napatagal naman kasi ako sa bath room dahil nakatulog ako sa jacuzzi sa sobrang sarap ng bula sa katawan hehe.

"Nako naman kasi anak dapat kinatok mo ako kanina ayan tuloy." Sisi ko dito habang tumatawang nagsusuot ng snicker shoes ko.

"Dad naman sisihin ba naman ako." Busangot nitong tugon na sobrang nagpacute dito kaya di ko maiwasang kurutin ang pisngi nito sa gigil.

"You're so cute anak." Puri ko dito sabay halik sa noo nya na kinabuntong hininga nalang nito.

"I'll wait nalang po sa lobby, dad. Please be quick." Walang emosyon nitong saad.

Nakangiti akong tumango nalang dito.

Hindi ko alam kung anong kulang sa pagiging magulang ko sa kanya. Pero I really miss the sweet Caster. Yung tipong pag kinukurot ko ang pisngi nya ay kukurutin nya din ang pisngi ko at hahalikan yung kinurot na pisngi ko.

Namimiss ko na ang anak kong yun. Napabuntong hininga nalang ako.

Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Sabi ni Uji, I need to wear the most comfortable clothes that I can wear. Kaya naman kahit mejo malamig ang klima sa labas ay naka pokemon shirt ako at jeans lang na may fleece sock at snicker shoes. Pagod na ako sa mga magagarang suot at business attire. Hindi ko naman talaga taste ang mga yun. By the way nasabi ko na bang nasa London kami ngayon. Matagal na daw itong plano ni Uji and even Caster knows about this. Ako lang ata ang di nainform about this at bigla nalang nila akong hinatak and the next thing I knew andito na kami sa London.

Kinuha ko na ang may kahabaan kong korean winter coat at isinuot ito pangontra narin sa lamig.

I wore my favorite perfume at inayos ng konte ang buhok.

I smiled at my own reflection. Ang dami ko nang pinagdaanan and who would have thought na sa huli ay makikita ko parin ang sarili kong nakangiti at tunay na masaya.

Yung mga taong dumating sa buhay ko at nagturo ng napakaraming bagay ay mananatiling parte ng buhay ko kahit pa panandalian lang ang kanilang pananatili. Nawala man sila ay nag-iwan naman sila ng marka sa puso ko.

There will always be a special place for my dad and mom, tita Bless and Chryo in my heart. At di ko man sila kasama ngayon, sa puso ko, alam kong lagi silang anjan.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Where stories live. Discover now