Chapter 45

5.8K 310 138
                                    

Brave's pov

"Dad!" Umalingawngaw ang boses ni Ryuuji at mabilisang lumapit sa kanyang ama upang alalayan ito.

"I never thought, you will become so cruel and heartless Bau." Saad nya ng hindi ako tinatapunan ng tingin dahil nakaakay parin ito sa kanyang ama.

Nang maiupo nya ito ng maayos ay saka lang ito humarap sa akin.

"For you to resort to this, is that how your anger have mold you Auster?" Tanong nito sa akin na tila ba kasalanan ko pa kung bakit napupuno ako ng galit.

"Wag mo akong kwestyonin. Dahil nung panahong ako ang nasa kalagayan nyo, ni isa sa inyo walang dumamay sa akin. Sa halip idinuldol nyo pa akong lalo sa putikan!" Singhal ko sa kanila.

"Don't you dare question me, cause you all made me to who I am now!" Puno ng poot kong saad dito.

Nagtagisan kami ng matatapang na tingin ngunit ayokong makita nyang lumuluha sa harap nila. Kaya inayos ko ang aking sarili at pinahiran ang mga luha.

"Get out of my office now." Mahinahon ko nang utos sa kanila sabay balik sa aking desk. Agad namang tumalima ang mga ito at iniwan akong mag-isa sa loob ng aking kwarto.

Nang ako nalang mag-isa ay di ko narin mapigilan ang hagulhol ko. Inilabas ko lahat ng luha na pilit kong kinukubli.

Kinuha ko mula sa isang aparador ang isang kahon. Dito inilagay ni papa ang last will nya na pirmado nya. Ito ang nagsasabing lahat ng yaman na meron sya at nakapangalan sa kanya ay mapupuntang lahat sa akin. Nakapaloob sa kahong ito rin ang aming litratong tatlo na masayang magkayakap sa may garden ni mama. Lumuluha kong pinagmamasdan ang kainosentehan ng aming litrato. Tanging saya ang makikita sa bawat mukha namin. Nasaan na ba ang Bau na ito? Nasan na ba ang dating saya sa puso ko?

Marahil ay tama nga si Uji na sumosobra na ako, pero ano ba ang hangganan ng poot? Kailan mo ba masasabing sapat na ang paghihiganti? Sino ba ang makakapagsabi na oras na ng pagpapatawad?

Dahil kahit pa paulit-ulit kong takpan ng amasasayang ala-ala ang mga nakaraan ay pilit itong bumabalik at pilit na binubuhay ang galit sa puso ko.

Nasaktan lang naman ako kaya ako naging ganito. Bakit ba tila wala akong karapatang bigyan ng hustisya ang nakaraan ko?

I was alone, walang karamay at iniwang parang basura. Tama ba na pag binigay mo ang lahat lahat ay iiwan ka nalang na yakap ang sarili mo at lahat ng pangakong pinanghawakan mo?

Para sa isang bading na katulad ko, tama bang danasin ko ang mga dinanas ko dahil lang tingin nyo isa akong salot sa mundong ito?

Nobody deserves the trash that I went through. Kahit pa ang pinakamahirap na tao ay hindi deserve na paglaruan, gamitin at tanggalan ng karapatan.

Noone deserves my pain, not even me.

Matapos kong mailabas lahat ng luha ko ay inayos ko ang sarili at pinahiran ang mga luhang bumasa sa aking mga pisngi. I'm done for this day. Pagod na nga ako sa byahe, napagod pako sa kadramahang to.

Magpapahinga nalang ako sa bahay with caster.

Agad kong inayos ang mga gamit at pinahanda sa sekretarya ko ang sasakyan para makauwi narin ako.

What I deserve is some rest away from all of this.

......

Tart's pov

"What are you goong to do with all this drop from the market stock?" Sabat ng matandang Suico.

"It seems that you are not that much capable to handle the situation, Tart. Our market value is going down for the past few months and I think all you plans are not working at all." Segunda ng isa pang board member.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Where stories live. Discover now