Chapter 19

12K 478 42
                                    

Auster's pov

"Ahm excuse me po. San po ba makikita itong room number tba?" Nakangiti kong tanong sa babaeng kaharap ko ngayon.

Super excited akong pumasok kanina dahil syempre unang araw ko sa college at panigurado ito rin ang araw na magpapabago ng buhay ko.

"Excuse me? Do I look like an information desk to you? Duh! You make tanong dun sa mga lowly and poor people na nagbabantay ng gate or naglilinis ng room not on me na mayaman at sossy, you know. Jan ka na nga!" Pagtataray ng babaeng tinabunan ang buong mukha ng make-up.

Hai, ito talaga ang isa sa problema ko sa school na toh. Dahil nga pili lang ang mga nakakapasok dito kaya naman less din ang pakikipagkapwa-tao nila. Ika-nga nila, the school is a one game of survival and competition to be on top.

Napabuntong hininga nalang ako. Paano ako makikipagkumpetensya sa mga katulad nila? Gifted mostly sa kanila at kung hindi man ay mga mayayaman at kilala ang mga pamilya nila. Kaya lang naman ako nakapasok dito ay dahil sa impluwensya ni Uji ehh.

"Hey are you okay?" Isang tapik sa aking balikat ang kumuha ng atensyon ko.

"Ahh-ehh opo ok lang po. Kaso hindi ko kasi mahanap ang room na ito. Puro kasi numbers ang nakalagay sa taas ng pintuan ng bawat room ehh." Ang may maktol kong sabi habang nakatingin sa hawak kong card.

Isang malaking halakhak naman ang sagot ng lalaking akala ko nagmamalasakit sakin.

Kunot-noo ko syang hinarap.

"Bakit? Anong nakakatawa?"mejo nairita ako sa halakhak nya. Seryoso naman ako ehh di naman ako nagjojoke.

"Ahahah, ehem ehem. Sorry, okay, so ganito. Hinding hindi mo mahahanap yan kasi hindi naman yan room number." Bakas padin ang pagpipigil nya ng tawa.

Mas lalo ako nalito sa sinabi nya.

"Huh? Eh bakit nakalagay dito room number tba? Ano yun?" Taka kong tanong dito.

"Maybe isa ka sa mga academic focused na enrollee. Ibig sabihin nun hindi ka dumaan sa auditioning para makapasok sa school na ito. You see, tba means to be arranged. Kasi magreregister kayong ulit sa may event hall para masegregate kayong mga academic students." Sagot nito na mas lalong nagpalito sakin.

"Okay, I get it. Sasamahan nalang kita sa event hall." Para namang lumiwanag ang buong kalangitan sa sinabi nya.

"Waaaahhhh! Salamat, samalat talaga. Wala kasi akong maintindihan sa mga sinabi mo eh." Kita kong natawa ulit ito.

"Yeah sure. By the way, I'm Chryo Aregalo. Enrollee din ako pero sa music and arts ang field ko at nakapasok ako dito dahil sa audition." Pagpapakilala nito habang lahad ng kamay.

"Nice meeting you Chryo Aregalo. Ako naman si Auster Brave Castero. Business ang kukunin kong kurso at nakapasok ako dito through entrance exam." Nakangiti ko namang pagpapakilala sa kanya sabay kamay narin dito.

Ngumiti lang ito ng napakacute saka hinila na ang kamay ko.

Kakaibang init ang dala ng kamay nya. Parang ang sarap lang makipagholdinghands sa kanya buong araw.

"M-malapit lang ba ang event hall?" Tanong ko dito kasi pilit kong binabawi ang kamay ko dahil pinagtitinginan na kami ng mga estudyante at tila ba sikat din tong mokong na'to dahil sa dami ng nagpapapansin sa kanya.

"Tsaraaaan! Ayan ang event hall." Turo nya sa isang napakalaking building na nasa harap namin.

Ang laki pala ng event hall di ko inakala.

Nilingon ko sya para sana magpasalamat ng makita ko na naman ang matamis na ngiti nito na na nagpapasingkit lalo sa mga mata nya.

"Tara pasok tayo." Yaya nya.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon