Chapter 26

6.9K 405 138
                                    

Auster's pov

Unti-unti kong minulat ang aking mata at nabigla akong nasa isang kwarto na ako na base sa mga nakikita ko at sa swerong nasa kamay ko ay nasa isang kwartong pampasyente ako.

Inikot-ikot ko ang aking paningin at tumambad sa akin ang nurse na kinakalikot ang dextrose na nakakabit sa akin.

Pinilit kong tumayo ng mapansin ako nito at inalalayan akong umangat ng konte upang makaupo ako.

Nagpaalam ito na tatawagin nya ang doktor pati narin ang mga nagdala sa akin na magkausap lang sa may station.

Nakatanaw lang ako sa kawalan. Di ko alam parang ang blangko lang ng isip ko. Walang pumapasok na kahit ano. Tulala lang ako dahil narin siguro sa pagod.

Pagod na pagod ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Parang gusto ko nalang magpahinga habang buhay.

Nang tignan ko ang bedside table ay may nakita akong peeling knife katabi ng isang apple sa plato. Napangiti ako ng mapait.

Inabot ko ito at itinutok sa aking pulsohan. Pagod na pagod na ako. Ito siguro talaga ang gustong mangyari ng tadhana para sa akin.

Nang akma ko nang lalaslasin ang aking pulsuhan ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto at huling huli ako sa akto sa aking ginagawa.

"Auster? Teka Au! Anong ginagawa mo?" Agad itong tumakbo upang pigilan ako sa aking tinatangkang gawin.

Tulala lang ako at pinagmamasdan ang mga kilos nya pati narin ang pagbawi nito sa hawak kong patalim na nakatutok sa aking pulsohan.

"Ano ba ang nangyari sa'yo?" Malumanay nitong tanong habang banaag ang simpatya sa kanyang mga mata.

Andami king gustong sabihin. Pero wala ni isang salita ang tumakas mula sa aking bibig. Pinagmamasdan ko lang sya habang unti-unti tumulo ang aking mga luha.

Ang tahimik na kwarto unti-unting pinuno ng aking hiyaw at hagulhol. Niyakap ako nito at niyakap ko itong pabalik.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang plano ni tadhana para sa akin, pero ang bigat bigat na ng loob ko. Halo-halong emosyon na hindi ko na alam kung kakayanin ko pa.

Hinayaan nya lang akong umiyak sa kanya at nagpapasalamat ako dahil ito ang kailangan ko ngayon. Kailangan ko ng masasandalan, ng maiiyakan at walang paliwanagan basta iiyak lang ako ng iiyak. Hindi ko na alintana pa ang kakapasok lang na doktor at nurse dahil sa mga oras na ito ay unti-unti nang nababawasan ang bigat sa dibdib ko.

Ngumunguya ako ngayon ng apple na hinihiwa ni Dino sa akin. Sya pala ang nagmamaneho ng sasakyan na muntik nang makabangga sakin.

"Dino, hindi na ata kailangan pang maadmit ako dito. Wala naman ako ni isang galos. Mapapagastos ka lang." Nahihiya kong saad dito.

Himinto sya sa paghihiwa at hinarap ako.

"Sabi ng doktor ay dehydrated ka at mejo mababa ang timbang mo. Pinahirapan kaba ng sobra nung nakabili sa'yo sa bidding?" Kita ko ang pagaalala sa mga mata nya. Napayuko nalang ako kasi hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang mga nangyari.

"Patawarin mo ako Au, sana hindi nalang kita isinama sa auction na yun. Hindi sana naging ganito ang buhay mo." Sya naman ang yumuko ngayon.

Hinawakan ko ang mga kamay nya at umiling.

"Wala kang kasalanan, una sa lahat ay kagustuhan ko ang sumali dun. Pangalawa kasalanan ko kung bakit nagkakaganito ang buhay ko ngayon. Hindi kita sinisisi bagkus pinapasalamatan kita Dino, dahil sa tuwing may malaking mga dagok sa buhay ko ay lagi kang nariyan na para bang anghel na pinadala sakin." Ngiti kong pagalo dito.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Where stories live. Discover now