Chapter 13

17.7K 700 148
                                    

Hi guys! Sorry sa late update. So ayun gusto ko lang malaman nyo na thankful ako sa mga nageeffort na magvote kahit papano at nagcocomments din. Salamat guys kayo ang nagiing motivation namin para patuloy na magsulat. So keep supporting giys kung gusto nyo kamo magpatuloy pa heheheh.

Dedic time!
Dedicated tong chapter kay MrNobody07 ang masugid kong tagasuporta! Thanks ng marami hihi.

Shout out to YusTimmy, Iamjaelopez and SOTUSEngineer. Read their updates guys. 😊

Oh sya basa na wala tong spg gus pagpahingahin natin yung ano ni au kawawa naman. 😂😂

Auster's pov


"Homai ghaaaad! Dalawang beses na to! Ikalawang beses na akong nakipagsex sa taong ito."

Yan agad ang bumungad sa isip ko ng maalimpungatan ako ng madaling araw.

At eto ngang napakagwapong nilalang ang tumambad sa akin. Nakadapang natutulog habang nakaharap sakin ang kanyang mukha.

Grabeh lang ang wild ng taong ito. Umabot talaga kami sa puntong hinimatay nako bago sya tumigil. Ikaw ba namang tirahin ng apat na oras na walang tigil di ka kaya hihimatayin?

Pinagmasdan ko ang gwapo nyang mukha. Di ko maikakaila na talagang nakakahumaling ang halos perpektong hubog ng kanyang mukha. Ang labi nyang ang sarap sipsipin at kagatin. Ramdam ko ang pagiinit ng aking pisngi sa aking naiisip.

Ilang segundo ko din pinagmasdan ang kanyang mukha na tila ba napakapamilyar sa akin.

"Ikaw pala yung masungit na customer sa restaurant." Mahina kong sabi at napangiti ako.

Ang masungit na customer na natapunan ko ng juice at pinagbantaan akong aalisan ng trabaho ay ngayon katabi ko na sa kama at malala sa kanya pa ako nagtatrabaho.

Para naman akong nagising sa panaginip ko ng marealize kong nagtatrabaho nga pala ako sa kanya. Walang ibang ibig sabihin ang pagniniig naming ito.

Kitang kita ko naman sa itsura neto, mga galaw at gamit na wala itong bahid ng pagiging bakla. Straight sya at walang patutunguhan ang kakaibang nararamdaman ko para sa kanya.

Napahiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at muling tumitig sa mahimbing parin nyang mukha.

"Walang patutunguhan." Mahina kong bulong.

Alam kong ako lang ang nagmamahal at malabong mahuhulog ito sa akin. Pero ok lang dahil parte ang lahat ng ito sa mga dapat kong gampanan ayon sa kontrata. Mula ng bilhin nya ako ay wala na akong karapatan para sa sarili ko at sa katawan ko.

Tinitigan kong muli ang kanyang labi.

"Ngayon lang." Di ko naiwasang halikan ang mga labi nya. Napakasarap ng mga labi nya. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi sa panakaw na halik na ginawa ko.

Kahit panakaw lang na mga sandali at kahit pa hindi moko magawang mahalin pabalik ay makokontento ako, dahil alam ko ang aking kinalulugaran.

Dahan-dahan akong bumangon at iniwang mahimbing paring natutulog ang aking amo na hanggang ngayon hindi ko padin alam ang pangalan.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt