teaser for the succeeding chapters

7.3K 347 83
                                    

Auster

Papasok ako ngayon sa resto na inupahan ko for our meeting. Bumalik sakin ang amoy at ambiance ng lugar na to.

Nang makapasok ay kita kong napanganga ang dalawang taong pamilyar na pamilyar sa akin.

Napangisi nalang ako sa mga pagmumukha nila.

......

Kasalukuyan akong nagbabasa ng mga menu nang lumapit ang babaeng isa sa mga dahilan kung bakit ako bumalik dito.

Tinukod nito ang kamay sa mesang nasa harap ko.

"Anong ginagawa mo dito bakla? Anong gusto mong gawin ngayon? Ang ipamukhang napakataas mo na?" Walang pakundangan nyang saad sakin.

Isang malutong na sampal ang binalik ko dito na nagpatumba dito. Kita ko pang iniling iling nito ang ulo na tila nagrerecober pa sa pagkahilo. Sabay lapit ng lalaking kasama nito

"I'm here for someone, hindi ako nagpunta dito para makita ang mga basurang gaya nyo. Kaya please lang ha umalis alis kayo sa paningin ko." Mahinahon kong saad sabay saboy ng tubig na ininom ko pagmumukha ng dalawa.

......

"Pirmahan mo to. At ipasa mo na sa walang kwentang mong manager."

Kinuha nito ang papel na inabot ko at binasa.

"Resignation letter?"

"Ikaw nalang ang tanging taong tinuturing kong pamilya at kailangan ko ng isang taong mapagkakatiwalaan ko. Isang taong matalino sa maraming bagay. Aalisin kita sa walang kwentang trabaho na meron ka dito. Hindi ka nila deserve pati ang efforts at paghihirap mo na kahit kailan ay di nila naaappreciate. Come with me color help me achieve my objectives."

"Sino pa ba ang magtutulungan kundi ang mga baklang superwoman!"

.....

"Teh, bilhin mo na tong sampaguita oh, kasing ganda mo toh teh infairness."

Binaba ko ang aking shades at tinignan ito ng maigi sa mata.

"Pano mo nasabing maganda ako? Di mo ba nakikitang lalake ako. At ang bata bata mo pa ganyan kana magsalita."

"May gosh, ate pinanganak akong butterfly na natrap sa katawang toh no. Balang araw magfafly fly ako with pretty wings in the sky. Tsaka ang mga butterfly na kagaya ko kilalang kilala ang mga kapwa nya paro-paro."

"Nakakatuwa ka. Ilang taon kana ba at nasan na mga magulang mo?"

"6 na ako at patay na magulang ko. Dyan lang ako sa tabi tabi natutulog. Tska itong sampaguita napulot ko lang toh ng itapon nung matandang nagrorosaryo kanina sa simbahan."

"Gusto mo bang magkaroon ng natay?"

"Natay? Ano yun?"

"Nanay na tatay. Gusto mo bang ampunin nalang kita?"

"Talaga? Magiging natay kita?"

"Oo, kung gugustuhin mo."

"Gusto ko po!"

"Ano bang pangalan mo?"

"Jembot poh tawag nila sakin."

"Baho ng jembot. Papalitan natin yan. Ngayon, simula sa araw na ito ikaw na si Caster Hope Riverheart Castero."

.......

Ryuuji

"Wala kang makukuha sakin. Kung tingin mo magagamit mo si Levi sakin, hinding hindi kita papayagan. From now on I want you out and away from our lives. You whore!"

Napatumba ito ng itulak ko ito palayo.

"Daddy no! Don't hurt mommy!" Sigaw ng anak ko.

"Come with me Levi. Your mom doesn't love you at all. Kadi kung mahal ka ng babaeng yan ay ikaw lang ang iisip nya hindi yung pagpapakalantari nya sa iba."

"No Dad, please I wan't you and mommy together!"

"Levi Shinto Kazuma! Do not shout at me!"

"Umalis ka nga sa pagkakayakap sakin bata ka. At ikaw na bakla ka! Magbabayad ka sa pagsira ng buhay ko! Magbabayad kayo!"

......

Tart

"Anong ginagawa mo dito?"

"Walang hiya ka! Sabi mo basta gawin ko ang lahat ay hindi moko iiwan. Ginawa ko na ang lahat na umabot sa puntong binaboy ko ang sarili kong katawan at nagpagamit sa lalaking hindi ko mahal para lang sa mga plano mo! Ngayon ayaw mo na akong makita? Walang hiya ka talaga!"

"Alam mo? Wala ka namang tinupad sa mga sinabi mo eh. Diba napagkasunduan nating magpapabuntis ka sa kanya at gagamitin mo ang bata para makuha lahat ng pera nya? Oh anong nangyari? Ni hindi ka pinakasalan at ginawa ka lang yaya ng anak nya. Nakakatawa ka."

"P#tang ina mo Tart! Ginamit mo lang ako! Ginamit mo lang ako!"

"Christina, pakitawagan ang mga guards at alisin sa opisina ko ang babaeng ito."

"Pagbabayaran mo ang lahat ng ito Tart! Pagbabayaran mo ang lahat!"

"Hindi ako magbabayad, dahil hindi pa ako tapos maningil."

Abangan...

_____________

A/N:

Charetoro talaga yang tatlo oi. Tingin nyo?

Nagbabalik na ang baklang may bangs! At mukhang nagrerecruit pa ng mga kampon nya! 😂

Teaser lang muna tayo guys baka kasi di ako makapagupdate hanggang sunday ehhh. Baka monday pa ako makapag update ulit may exam kase ako bukas hanggang saturday so pokus muna ako dun ng slyt hahahaha

Ano kaya ang mga nagbago sa ating bida na bida bida? Hmmm vote and comment guys wag kayo mahiya magvote sige na pindutin na ang tala!

See you sa next chapt!

I love you josh! 😘

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Where stories live. Discover now