Chapter 43

5.9K 339 68
                                    


Brave's pov

Nasa isang resto kami ngayon sa loob parin ng Disneyland. Kasalukuyang nagkukulitan sina Caster at itong si Kaito.

Hindi man sila ganoong nagkakaintindihan dahil hindi naman ganoon kagaling mag-ingles itong anak ko, pero tila madaling makipaghalubilo sa mga bata si Kaito. Napakaideal man nya. Pogi na, mabait pa.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng lumingon ito sakin at ngumiti. Nakakahiyang mahuli ako nitong nakatitig sa kanya.

"So, I believe you have already been in the main branch." Nakangiti nitong tanong sakin matapos higupin ang kapeng nakahain sa harap nya.

Muntikan na talaga akong magpanic sa pagkahuli nito sakin, buti nalang at napanatili ko ang aking composure.

"Yes, I even met your father and talked to him about things in the company." Sagot ko dito saka ako sumandok ng pagkain sa plato ni Caster at sinubuan ito. Mejo busy narin ang bata kakakulikot ng laruang binigay ni Kaito sa kanya.

"I wasn't expecting to meet my boss in situations like this. What a conincidence. I hope, I haven't made any bad impression to you." May hiya sa pagkakasabi nito kahit nakangiti parin sya.

Ngumiti lang ako ng sinsero dito pabalik.

"Don't worry, only impression that I would gladly appreciate." Sagot ko dito na nagpalapad lalo ng kanyang ngiti. Nakakalaglag talaga ng underwear ang ngiti niya.

Nasa ganoong pag uusap kami ng biglang may tumikhim sa aming tabi na kinalingon naming dalawa.

"Buti nalang at nakakausap ng kasama kong toh ang security na kasama mo. May ghaad kang baklita ka.." Tila natigalgalan naman si Color sa pagdadakdak sakin ng mabaling ang tingin sa kasama ko.

Laglag panga at tulala lang itong nakatitig kay Kaito hanggang sa magsalita si Caster.

"Hello, Ninang! May bago akong toy oh bigay ni kuyang tipaklong." Galak na saad ni Caster na nagpabalik sa wisyo ni bakla.

"Hello, pretty inaanak." Sagot nito sabay deretso sa upuang katabi ng lalakeng kaharap ko. Dineadma lang ang bata buti nalang at busy parin ito kakalaro ng bago nyang laruan.

"Hi, Im Catriona. You are?" Walang habas nitong saad habang hawak hawak ang kamay ng kausap. Ni walang pasabing kinuha nito ang kamay ng lalake na parang nakikipagshake hands dito.

"A-ahm, I'm Kaito. Nice meeting you?" Alanganing sagot naman ng lalake na tila pinipilit bawiin ang kamay na hawak hawak na ngayon ng pusit na nagkatawang tao.

Agad kong tinuktukan ito sa ulo para matauhan.

"Aray teh imbyerna ka!" Pairap nitong saad sabay tuktok sa kanyang baba.

"Kasi naman kita mong naiilang na ang tao sayo eh. Maghunos dili ka kasi." Saad ko dito.

"Teh, pwede mo ba ibalato sa akin toh teh. Sherep teh promise inlab nako sa kanya!" May panggigigil pa nitong saad.

Tinignan ko naman ang lalake at tila naguguluhan sa pag-uusap namin ng baklang toh.

Nginitian ko nalang sya at bumalik sa pagpapakain kay Caster.

...

Mula sa resto hanggang sa mga rides di na tinantanan ni Color si Kaito. Mabuti na lamang at napilit ito ng inaanak nya na sumakay ng carousel kaya naiwan kaming dalawa ni Kaito na nanunuod lamang sa kanila. Sa di kalayuan lang din nagbabantay ang dalawang guard.

Habang masaya kong pinipicturan ang dalawa ay nabigla ako ng magsalita ang lalaking katabi ko.

"You know, I always dream of having a child someday." Bungad nito na kinalingon ko dito. Kita kong nakangiti itong pinagmamasdan sila Color.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Where stories live. Discover now