A/N:
Seathryn is pronounced as: \'sā-thrin\ or \'sey-thrin\
Chapter 1: Sylems
Mabilis kong pinatakbo ang kabayo ko kahit na lubak-lubak ang daan dahil nandito ako sa parte ng magubat na lugar sa Akillums Mountain.
Pupunta ako ng bayan, sa kaibigan kong si Katana. Since it's weekend kaya umuwi muna ako sa amin. Babalik din naman ako mamayang hapon sa Mellanium Academy dahil klase na bukas.
Habang malakas kong hinahagupit ang kabayo para tumakbo ito nang masmabilis ay bigla akong napahinto, nang may marinig akong mga boses na nag-uusap at nagtatawanan.
"Come on, we always win Carlos!" giit ng boses lalaki at kampanting-kampante sa mga sinasabi habang tatawa-tawa pa.
"Yeah. And besides, it's only Mellains whom we compete the most! Trash the other schools. But yet I'm sure, we will win against them."
Napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ng isang babae.
Tama ba ang narinig ko? Mananalo sila sa darating na Annual Battle of Hearts?
Nakakatawa. Masyado silang pakampante. Sila ang mga Sylems na nag-aaral sa karatig na academy dito sa Quantum, ang Sylum Academy of Skill Exertion.
Kung hindi ako nagkakamali ay binanggit niya ang salitang "Mellains," ang tawag saming mga taga Mellanium Academy.
Sa buong City ng Quantum ay may dalawang schools lang at puro lang ito sa mga mayayaman.
In Quantum, luxury runs everything and that doesn't give opportunity to the financially challenged. I, myself benefit from this system, but I hate it.
Nakakainis!
Ang una ay ang Sylum Academy of Skill Exertion at ang pangalawa naman ay ang Mellanium Academy of Proficiency kung saan ako ipinasok ng daddy ko. Doon rin siya nag-aral noong kasing edad ko pa lang siya.
Both schools are very competent and are eager to win the Annual Battle of Hearts.
Each school including the other institutions from current cities in the entire Matching World have these lists of persons destined to be together. It's called the scrolls. The names of those people are written on a scroll and each lists differ from one school to another.
This is why we have the Annual Battle of Hearts, to win it so that the people in the scroll of the school which championed will take effectivity. Which school ever wins, their scroll will dictate the fate of the lovers each year.
That's what we, the people of the Matching World, do to give each people a half of them. That is why all the schools dyingly clamour for this win, for if they do they will gain more fame. That's it, that is why I hate it. Aside from fame, they will get an assurance that there will be this special treatment given to them, where their academy will be prioritized by the riches.
Fuck that fame!
No one knows the lists aside from the headmasters.
Nakahinto parin ang kabayo ko at di ko pa ito pinatatakbo kahit alam kong papunta sa daan ko ang mga Sylems na 'yun. Ayaw na ayaw ko silang makasalubong sa daan, akala kasi nila laging sila ang lamang. Sila'y lubhang mayayabang na parang wala na atang gamot para sa sakit ng kayabangan.
Nakatayo lang ang kabayo ko sa gitna ng daan dito sa kagubatan, habang naglalakad paakyat ng lubak-lubak na daan ang mga Sylems.
Nakatitig lang ako sa kanila habang papunta sila dito paitaas sa mabundok na bahagi; napansin ako nung babaeng kanina ay nagsasalita. Bigla siyang ngumiti, ngiting maldita na parang hangang-hanga sa sarili niya.

CZYTASZ
Sylum Academy of Skill Exertion (Editing)
FantasyEvintiem Race Series #1 [Book 1] Sylum Academy of Skill Exertion [Book 2] Yves of the Outskirts of Kanda -- If people are emotions she's emotionless... with a bit of anger maybe. Seathryn Blackburn, a Sylem who hates special treatment will fight in...