Chapter 7: The Havoc

13K 405 8
                                        

Everything works the way it has to be...

Well, for me I have to live following orders. I'm getting tired living this way with such no freedom.

This is shit.

In the first place it wasn't my choice to be here, it was my father's. I did not agree to enter this room and fight for my life either, but Third manipulated me with his damn skill. I hate fighting in this kind of bloody field. But that's what the Matching World had gotten used to, we're oblige to take part in this annual competition to match people's destinies. I guess it's just me who hasn't got used to it yet. Who would if my mom died because of the same cause?

And this feels even more suffocating that I transferred school!

Lintik na kalayaan na yan, ang ilap!

I didn't want this battle. I am contented enough of what I had and besides there's nothing that I must prove for.

And I didn't want to kill someone else just so I could live. That's the hardest thing I had to live in this world.

It's like turning sideways back then, like I was the one who killed those thousands of lives in the havoc sixteen years ago when I was one year old.

Naalala ko pa noon kung paano tumalsik ang dugo mula sa mga taong nagtatakbuhan habang ang mga Samientus ay walang awang pinapaslang ang mga mamamayan sa buong Quantum City.

Ang mga Samientus ay nanggaling sa Ellimus Tribe kung saan laganap sa North, habang kaming nasa West, East at South na tinatawag na mga Akillums ay nanggaling naman sa Lamientum Tribe. Ang Lamientum at Ellimus tribes ay nanggaling lamang sa iisang hanay, ang Evintiem Race.

Nasa West ang Quantum City kaya kami ang pinakanaapektuhan sa pinakamadugong labanan na tinatawag naming Samientus Verri.

Ang West at East ang target ng mga Samientus na sakupin sapagkat sa South ay malakas ang defense force kumpara sa banda namin, doon nakasentro ang battalion force kung saan din nakatayo ang Akillums Government.

Iniisip ng mga nasa-Ellimus tribe na kapag nasakop nila ang West at East ay magiging masmakapangyarihan pa sila kaysa sa South, at pamumunuan ang buong Matching World.

Matching World, ang mundo na ginagalawan naming lahat kung saan nakasalalay sa amin ang pagmatch sa mga tao na magkakatuluyan taon-taon sa pamamagitan ng pagsali ng Battle of Hearts.

Naalala ko pa kung paano ako umiyak sa gitna ng kaguluhan habang isang taong gulang pa lang ako 'nun, itinago ako ni Mama sa isang puno na may butas sa ilalim habang ang mga dugo ay nakikita kong dumadanak. Maraming mga duguang katawan ang nakaratay sa lupa habang ang iba sa kanila ay wala nang malay, at ang lahat ng iyon ay tumatatak sa aking isipan.

Nung itinago ako ni Mama sa malaking punong iyon ay ginagamit niya ang kanyang ability na telepathy habang kinakausap si Daddy na kasalukuyang nakikipaglaban sa mga Samientus nang mga oras na iyon dahil tinangka ring sakupin ang East. Isa siya sa mga heneral ng defense force at may mataas na pwesto sa Akillums Government.

"Stay safe baby, don't go out of this tree," iyon ang bilin ni Mama sa akin.

"Back? Mom?" There's this chid-like tone in my voice at ngumiti lang siya sa akin. That time I knew it, she was a soothsayer and she had seen a part of what would happen.

Sylum Academy of Skill Exertion (Editing)Where stories live. Discover now