Chapter 42: When the Clock is on

2.6K 83 12
                                        

"What a beautiful sunrise!" napatingin ako kay Yden na masayang-masaya kahit ganito pa lang kaaga. Mag-aala singko pa lang ng umaga at ngayon ay papasakay na ang lahat ng mga delegates from different schools na galing sa Quirinus, Strang at dito sa Aqualem habang kami naman ay papaakyat pa lang sa isang kulay brown na kahoy na nakapatong sa pagitan ng malaking sasakyang pandagat, na ngayon ay nasa harapan ko at may malalaking antena ng mga layag, at dito sa daungan kung saan kami dumaong kahapon.

The air was very fresh and I could still feel its breeze while at the same time the ocean sings.

Habang pumapanhik kami ay naririnig namin ang mga yabag namin at ng mga kasamahan namin.

Nakasuot din kami ngayon ng mga mahahabang kasuotan hanggang binti na may mahahabang manggas pangtapal sa aming pangloob na damit at panangga na rin sa lamig.

Yden was wearing a faded brown coat ranging her leg with a green threaded upper and a red straight skirt with a faded brown boots. Actually she looks like pretty that way.

Napatingin naman ako sa iba at nakasuot din sila ng mga coat, ang iba ay gawa sa fur ng nga hayop habang ang iba naman ay gawa sa cotton. Napalinga-linga ako sa paligid, at karamihan pala ng mga delegates ay nakaakyat na at nakapwesto na sa may railings habang enjoy na enjoy nila ang view dito ngayon kung saan papalitaw pa lamang ang araw at tanging ang katahimikan lang ng umaga ang maririnig mo.

Lahat sila ay nakangiti at ang iba naman ay nagtatawanan. May malalaking layag ang sasakyan namin na gawa sa makakapal na tela na kulay puti at sumasabay din ito sa ihip ng hangin.

Napatingin naman ako sa suot ko, I am wearing a black leather coat with a black fur around its neck and a pair black shiny boats. It fits me well, somehow it warms me.

Ilang minuto pa lamang ay tuluyan na kaming nakasakay sa transportasyon at nagsimula na kaming maglayag.

Lahat ng mga delegates ngayon ay aliw na aliw sa mga nakikita nila ngayon, sobrang lawak ng dagat na kulay asul at ang presko ng hangin. The ocean looked ellipse in a wide version of view while the horizons were waiting for us. Napatingin naman ako kina Sir Reve at Sir Relium na ngayon ay nakikipagkatuwaan naman sa kanilang mga kakilalang kapwa guro din na galing sa ibang akademya.

"Hey, stay alive." napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Kid sabay yakap nito sa akin, ang ibang mga kasamahan ko naman ay nakaupo na ngayon sa lapag nitong sasakyang pandagat habang masayang nagkwekwentuhan.

Maya-maya pa ay lumapit sa amin si Third at umalis naman na si Kid. Bigla ako nitong hinila papalapit sa kanya dahilan para masubsob ako sa dibdib niya. Napakainit niya at ang sarap-sarap sa pakiramdam.

I wish I'll live so I could have this again.

Ilang minuto na ang lumipas at sumisilip na ang umaga na nagbibigay linaw sa tubig dagat at medyo di na rin gaano kalamig ang hangin ngayon. Tumigil na rin sa pag-uusap yung iba at nakaupo na rin sa sahig tulad namin.

Napakalawak nitong sasakyan at maraming kwarto sa ibaba pero walang ni isa ang pumasok roon. Hindi ko rin alam kung bakit.

Maya-maya pa ay may bigla akong narinig na nag-uusap di kalayuan sa akin. Habang may isang taga pagsilbi naman ang nag-aalok ng inumin sa lahat ng manlalahok. Dinig na dinig ang yapak nito at ganoon na rin ang pag-uusap ng dalawang babae sa di kalayuan.

"They are just afraid that they might not see this kind of morning again so they stayed here outside." napatingin ako bigla sa kaliwa ko dahil akala ko ay ako ang kinakausap nung nagsalita pero nabigla ako nang marealize ko na ang katabi niya pala ang kinakausap niya. May mala-nyebe siyang buhok at ganoon na rin ang kanyang kasuotan na gawa sa fur ng baro isang uri ng hayop na nabubuhay sa malalamig na lugar at balot ng yelo at mapupungay naman ang kanyang mga mata.

Sylum Academy of Skill Exertion (Editing)Where stories live. Discover now