Chapter 28: Going back

5.3K 200 15
                                        

It was a hint of deja vu as I breathed deep and opened my eyes.

Nandito na ulit ako.

And my room is greeting me again with a familiar smell - it was the luxurious smell of the roses here inside of  my room.

Somehow,  it reminds me of mom. Who used to love those flowers.

It's a deja vu, waking up in the same bed and the same place.

But it's a deja vu that I want to experience always. Going back to this place...

Everything is the same but something had clearly changed - it's the feeling.

I feel determined... And.. 

Happy...

Mula sa pagkakahiga ay napaupo ako sa kama ko at napatingin sa bintana sa labas. Medyo madilim-dilim pa at wala akong masyadong maaninag.

My room was dim but it was not dark like the way it was.

Huminga ako nang malalim at tumingin sa may bandang gilid ng kama ko. Alas kwatro pa pala ng madaling araw...

But I felt like I had been resting the whole day here inside. I mean, we got here about 3 days ago but, here I am still resting.

Mula sa pagkakaupo ay tumayo ako sabay hinga nang malalim at napangiti.

Seathryn, you've survived.

I grabbed the robe hang in the stand and wore it gently.

I am wearing a dirty white robe made off silk with some gold details on its hem. My inner cloth is also dirty white in color with a little bit fit to my figure.

Muli akong lumabas ng aking silid at tinahak ang hallway palabas ng girls'dormitory hanggang makalabas ng buong building.

Pumunta ako sa likuran nitong gusali kung saan may burol at kung saan may nakatirik na puno sa tuktok nito.

Naglakad ako paakyat habang winawasiwas ng hangin ang buhok ko at tanging paghinga ko lamang ang naririnig ko. Malamig ang hangin at tahimik ang buong paligid.

Napayakap ako sa sarili ko...

Namimiss ko ang katahimikang ito.

Narating ko ang tuktok at muli kong nakita ang kabuuan ng buong Quirinus. Madilim pa ang buong lugar maliban na lamang sa Central Market sa bandang kanan ng view.

Madaling araw pa lang dito sa Quirinus ay bukas na ang Central Market sa down town sapagkat nakasentro doon ang lakas pangtao kung saan karaniwang nakatira ang mga laborers.

Namangha ako sa aking nakikita ngayon sa sobrang lawak ng kabuuan nitong Quirinus. Nilanghap kong muli ang malamig na hangin kasabay ng pagdampi nito sa aking balat nang bigla akong napatingin sa kabilang dako.

Sa Medulla, di kalayuan sa Sylum. Walang kung anumang ilaw ang makikita doon o kahit bakas lang ng usok galing sa isang lampara.

Di tulad nung dati...

Naaalala ko tuloy nung simula pa lang ng pasukan sa Mellanium, laging si Kid lang ang kasama ko siya kasi ang unang una na lumapit sa akin sa buong klase.

Kahit na ganitong oras na nga tinatalon ko pa ang terrace namin para lang tumakas. Samantalang, tinatahak ni Kid ang Akillums mountain kung nasaan ang mansion namin at pumupunta kami sa Medulla dala-dala ang isang lampara.

May fishing lake kasi doon na tuwing gabi o kapag bukang liwayway na ay umiilaw. Umiilaw siya kapag ginalaw o nagagalaw mo ang tubig, parang may substance dun na kung ano na kapag nagalaw ay umiilaw ang buong lake.

Sylum Academy of Skill Exertion (Editing)Where stories live. Discover now