Chapter 9: His Skill

11.1K 354 18
                                        

"Seathryn, your angle is totally wrong!" sigaw sa akin ni Sir Relium habang pinapanood ako na pinapatamaan ng arrows yung center ng target.

Langya! Di niya ba nakikita? Ang layo-layo kaya nung target na parang ilang kilometro ang layo sa akin! Ngayon, sabihin niya paano ko patatamaan yun kung di ko man lang makita?

Nandito kami sa loob ngayon ng Assessment Room kasama ang buong team na nagtitraining ng kanya-kanya gamit ang mga weapons nila.

Sa bawat pagbitaw ko sa arrow mula sa mga kamay ko ay mabilis na kumakawala ito at straight na tatahakin yung lokasyon kung nasaan ang target kahit di ko naman alam kung natatamaan talaga. Si Sir Relium ang nakatingin sa akin ngayon habang si Sir Reve naman sa pagkakaalam ko ay nandun malapit sa location ng target ko para tingnan kung natatamaan ko ba yung mga red circles.

Suck this training! Binigyan ba naman ako ng bow and arrows kahit di ko naman talaga alam kung paano ito gamitin. Sana talaga daggers nalang yung binigay sa akin! Nakakainis. Parang ako lang yata yung kailangang mag-adjust sa aming lahat sa paggamit nitong weapon.

"Hit the target!" sigaw uli niya.

Adik ba siya? Mukha bang telescope yung mga mata ko para makita yung target sa ganitong distansya? O baka naman lasing lang siya?

"The target is so far obviously!" asik ko sa kawalan.

"Well, let's see if this far Reve can hit you," ang tangi niyang sambit saka ngumisi na para bang may masamang mangyayari?

Napakunot ang noo ko, at muling bumaling sa direksyon kung saan ako pinatayo ni Sir Relium para patamaan yung target.

Itinaas kong muli ang bow ko at ang arrow nang biglang may naaninag akong manipis, matulis at bumubulusok na bagay papunta sa akin. Parang manipis na kahoy?

Bigla akong naalarma nang makita ko ito nang klaro ilang metro ang layo sa posisyon ko.

Bwiset! Di nga pala nagbibiro si Sir Relium!

It was a very sharp and lustering arrow striking toward my direction with a great speed.

Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko na ako pala talaga ang matatamaan ng arrow.

I immediately raised my arrow and bow. I pointed it straight the arrow striking toward me. I can feel my perspiration and my deep breath. Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko na para bang may pumipigil sa akin.

Itinuon ko nang diretso ang tingin sa bow na papabulusok sa akin at binitawan ang arrow sa bow ko.

Kitang-kita ko ang pagbulusok ng arrow ko papunta sa arrow na tatama sa akin. Arrow to arrow... Kung di ko talaga matamaan iyon patay ako.

Everything seems to be moving so slow, including the movement of my arrow as it struck the tip of the other one and sliced it into halves. Nahulog ang mga ito na hati sa dalawa ang arrow na siyang itinarget sa akin ni Sir Reve.

I gasped for air and gripped my bow.

"Fuck this training!" I shouted with anger habang papalapit si Sir Reve at Sir Relium.

"You won't learn how to react if you're not in the situation," Sir Relium said with his serious voice as always. The both of them has a lot of differences actually, they may have the same faces yet different textures of features. Sir Reve is much gentle than him.

"So what was that? Are you going to kill me?" asik ko habang mahigpit parin na hinahawakan yung bow ko na gawa sa metal. Para na nga atang mababali 'yun sa higpit ng hawak ko. Kaharap ko silang dalawa ngayon.

I frowned at him.

Sir Reve spoke, "you're like this arrow," aniya habang hawak ang arrow na nahati sa dalawa. "This half of arrow is your courage and the other one is your fear. They compose you, and when these halves were still complete it was like you, I've seen you fully Seathryn. Every courageous soldier has fears, you face it." Nakatitig lang ako sa kanya, walang kibo habang lahat ng kasama ko ay natigil din.

"Third!" pagtawag ni Sir Reve at agad naman itong lumapit.

"She already mastered her weapon. Go ahead the Training Dome and assess her." Sumunod lang ako kay Third na walang kahit anong tinatanong. Naiwan ang iba naming kasamahan sa loob habang kami ay lumabas na ng Assessment Room, and we were greeted again by the darkness here in the hallway.

Mula sa pinto ng assessment room ay lumiko kami pakaliwa. Puro torch lang ang nagsisilbing liwanag dito sa buong hallway at ayoko sa lugar na ito. Parang dungeon. Kumaliwa uli kami at naglakad ng ilang metro saka kumanan, nang makarating kami sa bandang ito ay napansin kong di na gaano kadilim dahil may mga bintana na na maliliit dito, ventilated na sa part na ito.

Biglang huminto si Third sa harap ng isang pinto kaya napahinto rin ako.

"I really wanna know, what's your skill?" iyon ang sabi niya at humarap sa akin. He towers me dahil mas matangkad siya at hanggang leeg niya lang ako. Nakatitig siya sa akin na para bang sinusuri ang kakayanan ko.

Kaya naman napangiti ako. Interesado ang isang 'to sa skill ko. Huwag niyang sabihing di niya alam?

"Try me," I said crossing my arms saka pumasok sa loob ng room.

Sobrang laki nitong Training Dome, masmalaki pa kaysa sa Assessment Room. Parang nasa isla kami na malayo sa sibilisasyon, ito ang mararamdaman mo pagpasok mo pa lang dito.

Well-ventilated na ang dome na ito pero iba parin ang ambiance na mararamdaman mo. Longing, melancholy, sadness and memories...

Marami na sigurong tulad namin ang nakapagtraining dito at ibinuhos ang buhay nila para sa letcheng mga love story ng ibang tao! Minsan natanong ko rin kung bakit sa Matching World pa ako ipinanganak. Bakit di nalang ba kasi sa mundo ng mga nilalang? Ang pagkakaalam ko ay nasa ibang dimensyon iyon at tanging South Battalion lang na member ng Akillums Government ang may kakayanang makipagsapalaran doon.

Natigil ang lahat, pati ang paghinga ko at napaluhod sa sahig nitong dome.

Bakit ganito? Di ko maintindihan?

It's like there's someone taking my identity from me... I feel so strange with my own behavior and I'm losing the senses of my feelings, it's like it's not me.

Gusto kong sumigaw. Para akong mababaliw. Alam ko ang lahat ng ginagawa ko at ang lahat ng nangyayari pero parang wala ako sa sarili kong pagkatao.

I think I'm losing who I' am...

Nakaluhod parin ako sa sahig habang hawak-hawak ang ulo ko. Nakita ko si Third na nakatayo sa harap ko ilang pulgada ang layo sa akin. Nakatitig lang siya at nakakunot ang noo.

It's his skill!

The Skill of Depersonalization...

The unforgivable skill.

I tried to compose myself to say a word.

"Are you going to kill me?" nahihirapang tanong ko sa kanya. Ayoko sa sitwasyon na ito para akong mababaliw at nawawala sa sarili ko. Pilit niyang pinapasok ang isipan ko na para bang binabaliw ako.

"Mahina ka pa. Tumayo kana," at nang sabihin niya iyon ay nawala ang nararamdaman ko kanina na para bang hinihigop lahat ng enerhiya ko.

Tagaktak ang pawis ko at kumakabog ang dibdib ko. Tumayo ako nang dahan-dahan.

"Bakit di mo sinabing aatake kana? Walangya! Di mo ba alam na muntikan na akong mamatay?" sigaw ko sa kanya sa galit ko. Sira-ulo ba siya? Ang pinakaworst na ayaw mangyari ng lahat ay yung kunin ng iba ang katinuan mo.

"No rival would say when they are going to attack. You should be alert Seathryn. I thought you were that kind of person."

I'm always alert, you bastard! I was just caught off guard...

###

Sylum Academy of Skill Exertion (Editing)Where stories live. Discover now