Chapter 31: "Akin kana"

5.1K 205 16
                                        

It is already in the second week of training while we are now heading towards the training dome.

Muli kaming binati ng madilim na hallway na tanging mga siga lang ng mga lampara ang nagsisilbing ilaw.

"Bakit ba ang dilim dilim ng hallway dito? " napahinto kami sa paglalakad nang sabihin iyon ni Releigh.

I hate him.

Pareho kaming napatingin sa kanya at nagpatuloy ng maglakad. Kompleto kami ngayon at tahimik lang ang lahat maliban nalang kay Releigh.

"Sa susunod, pa lagyan niyo naman ng ilaw. " biro pa niya sabay tawa kaya napalingon si Tania sa kanya at inirapan ito saka sumabat.

"Wala na ngang ilaw dito, baka sa pagiging mahangin mo pa mamatay yang mga ilaw. Edi mas naging madilim pa! " saka nauna itong maglakad. Halata sa boses niya na inis na inis na talaga siya kay Releigh.

Umirap na din ako at gusto ko sanang sumabat nang bigla akong akbayan ni Kid at tumawa siya ng kaunti.

"Relax ka lang. Masyado tayong high blood eh! " sabay tawa nito kaya siniko ko ang kanyang tagiliran.

"If I were to ask, I would really cut his throat off. " I whispered at tuluyan ng naglakad papasok sa loob.

Nakapasok na kaming lahat sa loob ng training dome at nag iba na ang ventilation dito na nakakasilaw na dahil sa mga puting ilaw.

Agad pumwesto sa harapan sila Sir Reve at Sir Relium habang nakatayo naman kami sa harapan nila.

"Headmaster Walter had given us his word. This group will be divided into two teams, the offense and the defense. " ani pa ni Sir Relium at agad naman akong siniko ni Yden.

"What did he say? " bulong nito.

Wala ako sa sarili ko at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko basta iisa lang ang nasa isip ko.

"Hey, what did sir say? "

"Sampalin ang magtanong. " natawa bigla si Yden sa sagot ko at maging ako ay nahinto nang sabihin ko iyon.

Arghh. Bakit ko ba nasabi yun?

Sinundot-sundot naman ako nito sa tagiliran habang tatawa-tawa nang mahina sabay sabing...

"Marunong ka nang magburo ah! "

Dahan-dahan naman akong napalingon sa likuran ko na parang naestatwang robot, at di nga ako nabigo nang makita kong tumatawa si Kid.

Damn! He taught me that line!

"The Head of the Defense team is Third. " at pumunta sa harapan si Third nang sabihin iyon nang malakas ni Sir Reve. Hindi ko alam pero parang seryoso silang lahat ngayon at may kung anong bumabagabag sa akin na hindi ko malaman kung ano.

"Yden, Katana, Exid, Carlos you are under Third. " sabi ni Sir Reve at agad naman silang pumunta banda kay Third.

"While, the Head of he Offense team is Seathryn." I immediately looked at Sir Relium as he said it.

Agad nagtama ang mga mata namin ni Third, at alam kong sa mga oras na iyon at tinatanong niya kung bakit. Hindi ko din iyon masasagot, dahil ang headmaster na mismo ang nagsabi.

"Releigh, Tania, Rock and Kid your head is Seathryn. "

Seryoso ngayon ang mga mukha nila Sir at parang may kung anong bumabagabag din sa kanila.

"That is all for today. We will be having our meeting. Take this moment as your break. " naghiyawan naman ang iba naming mga kasamahan lalo na si Kid at agad kaming naupo sa upuan sa gilid.

Sylum Academy of Skill Exertion (Editing)Where stories live. Discover now