Chapter 34: Sadness

3.3K 130 15
                                        

"Minutes before, she told me this 'someone will die to save you and she's my best friend.'"

Pumatak ang mga luha ko at di ko na napigilan pang mapahilamos sa mukha ko habang tumatakbo ako papalayo sa kanya. Hindi ko na masyadong maaninag ang daan dahil sa mga luha ko at wala rin akong naririnig na kung ano kahit alam ko pang tinatawag niya ako.

Ayoko siyang lingunin. Ayoko siyang makita.

"Sath where the hell are you going? " sigaw niya at hinahabol na niya pala ako ngayon. Nahawakan niya ang balikat ko at aambang yayakapin sana ako sa likuran pero agad ko itong tinulak.

"Damn you!" iyon na lang ang nasabi ko at ngayon ay magkaharap na kami. Ang sakit. Ramdam na ramdam ko ang sakit.

His eyes were full of questions and I am afraid that I couldn't answer each one of it. I just feel so unfortunate. Greetings to destiny, you really played well.

"What are you saying? I don't understand! " You won't really understand because you do not know.

Fuck this holy school. If I wasn't been here I would never knew this man and I would never felt this feeling.

Napaiyak pa ako lalo nang muling bumalik sa isip ko ang sinabi niya at tugmang tugma ito sa sinabi ni Dad.

I hate the thought that the ones I hated before turned to be the ones I love now the most.

"Don't you ever make me feel that you love me. I will be okay even without you starting this day. " A tear had flown my eyes as I decided to close my eyes and run and never looked back again.

Minutes ago I was happy but my reality decided to robbed it from me.

Di ko na maalala pa ang nagyari kagabi. Kinaumagahan bandang alas otso ng umaga ay nagdesisyon akong pumunta sa office ni Headmaster Walter. And I wasn't disappointed because it looked like he was waiting for me.

"How come you decided to do it? " He muttered sipping his red wine standing in his table right in front of me.

Nakatayo lang ako sa harap niya habang bakas sa mukha niya ang kasiyahan na pumayag na akong maging leader sa final level ng battle.

Maaliwalas sa labas at maganda ang panahon. Napahinga ako nang malalim at napapikit. A wonderful day to start to forget him and fake my feelings.

"Nothing. It's just the fact that I am not frail and weak. Besides, my comrades need me." tumango siya sa sinabi ko at napangiti.

"I like you. You're not like the others. You're brave, the same goes such bravery like your mom. " bahaguang kumirot ang puso ko nang banggitin niya ang katagang iyon.

Yes, she's indeed brave. Indeed she is.

Agad akong lumabas ng malaking pinto para umalis na.

Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa kabilang building dahil nasa kabila pa ang building ng mga students, di rin naman kalayuan mula dito. Bigla akong nahinto nang maalala ko ang tungkol sa training namin.

Pupunta nalang siguro ako sa training hall paniguradong nandoon na silang lahat.

I walked down the stairs toward the narrow entrance of this underground when somebody just grabbed me.

Inilagay nito ang kamay niya sa bibig ko at hinila ako sa isang corner dito sa madilim na hallway. Nagpumiglas ako at sisikuhin ko na sana ito sa tagiliran nang madepensahan niya ito. Agad na bumulong ito sa tenga ko dahilan para matigil ako sa pagpupumiglas.

Sylum Academy of Skill Exertion (Editing)Where stories live. Discover now