Chapter 12: Mellanium's Scroll

8.2K 349 55
                                    

Buong araw na di ako nagpakita sa mga kasamahan ko. Di din ako pumunta sa training dome para magtraining mula nung nangyari sa amin ni Third.

Natulog lang ako at nagkulong sa kwarto buong araw. Wala akong gana na lumabas ng kwarto ngayon. Di ko gustong makita silang lahat.

Bakit ba nangyayari lahat sa akin 'to?

Ayokong sumali sa Battle of Hearts pero nasali ako. Ayokong makasalamuha lahat ng tao dito o kahit na sino pero naging member pa ako ng team ni Third.

Tinitigan ko ang kisame, walang ingay sa labas na maririnig dahil nasa kanya-kanyang klase ang lahat ng mga estudyante sa girls' dorm.

May biglang kumatok sa pinto ko at wala akong planong buksan ito kung di siya nagsalita.

"Seathryn? Ayos ka lang ba?"  tiningnan ko ang wall clock na naka fixed sa pader. Ang bilis ng oras alas 3 na pala ng hapon?

"Di ka kumakain. May sakit ka ba?" galing kay Yden ang boses na iyon. Tumayo ako at pinagbuksan siya.

Agad ko siyang sinalubong na nakakunot ang noo. Nakauniporme siya samantalang ako nakapangtulog lang.

"Bakit ba?" salubong ko sa kanya.

"Nag-aalala na kasi sayo si Ms. Synth at pinapatawag ka." sagot niya. Tinitigan ko lang siya ng ilang segundo at dumiretso na ako sa banyo saka pinatuloy siya.

Lumabas din ako agad at pinuntahan si Tita.

Nandito na ako ngayon sa opisina niya at napangiti ito ng binuksan ko ang pinto niya.

Ano bang kasiyahan ang mayroon?

Bakit lahat ata ng mga tao dito ay may pinaghahandaan? Kanina sa daan nililinis nila yung mga red carpet at yung mga ceiling. Saka pinalitan nila ang mga bulaklak na rosas sa bawat vase. At mas naging engrande pa ang grand stairs na nasa sentro at siyang unang makikita kapag pumasok ka ng entrance.

"If this is a celebration I have no plan to attend." I murmured and rolled my eyes.

"Tomorrow will be the Presentation of the Team."

"Then?" ipinagpatuloy ko ang kagaspangan ng ugali ko when a line she said captured my attention.

"You want to see Kid Huston, don't you?" natahimik ako.

Si Kid. Ang kaibigan ko.

Third Person//

Napatingin ang isang matandang babae na pamilyar kay Seathryn sa isang napakalaking scroll sa likod ng table nito na nakasabit sa malapad at malaking pader.

Madami roong pangalan na nakasulat kung sino sa taong ito ang magkakatuluyan.

Napaisip siya bigla nang dumapo ang kanyang mata sa pangalang nakasulat doon. Doon niya ibinuhos ang tingin kahit na marami pang nakasulat na pangalan doon.

Gawa ang scroll sa parang old paper na manilaw-nilaw ang kulay pero di ito basta-basta lang napupunit.

Siya ang Headmistress ng Mellanium Academy na si Mrs. Rian.

Ang scroll ay agad-agad na natitiklop kapag may ibang tao ang pumapasok sa loob ng opisina at di na ito mabubuksan pa ng kahit na sino maliban sa masters. Tanging Headmasters at Headmistresses lang ang nakakaalam ng mga pangalan sa scrolls.

Nakatitig lang siya rito habang iniisip ang estudyanteng dati'y roon nag-aaral sa kanilang pamantasan.

Napaisip ito at tumingin uli sa nakasulat sa scroll.

Seathryn Blackburn destined to Kid Huston...

Sylum Academy of Skill Exertion (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon