Chapter 15: Controlled

7.8K 298 12
                                        

"Rock take her with you!" Sigaw ni Third kay Rock, nakasakay siya sa isang kabayo at alam kong mula ito sa isang samientu.

Halos di ko na maaninag ang daan sa sobrang dami ng alikabok at nakakapuwing sa mata.

Bigla ko nalang namalayan na may humila sa biwang ko at ngayon ay nakasakay na ako sa kabayo.

"Rock si Third!" Muli kong nilingon si Third pero di ko na siya makita sa dami ng disturbances sa paligid.

Yumayanig ang lupa sa ibang bahagi pero sa amin lang ang hindi dahil in-activate ko ang skill ko.

"Seriously? You're still stubborn at times like this?" Pabulong niyang sinabi iyon at dinig ko ang inis sa boses niya pero di ko na ito napagtuonan ng pansin nang malapit na kaming umabot sa daan na may puno.

Mataas ang puno at malaki pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit nakabend ang isa sa mga sanga nito gayong wala namang mabigat na bagay ang nakasabit dito. Kitang-kita ko mula sa lokasyon namin na parang may kakaiba.

Mabilis ang pagpapatakbo ng kabayo ni Rock at alam kong nasaunahan lang ang tingin niya.

"Rock... ihinto mo."

"Ano bang pinagsasabi mo?" At imbis na ihinto niya ay masbinilisan niya pa ang takbo hanggang sa nakalapit na kami sa puno ng sampung steps at tama nga ang hinala ko.

"Rock, Samientus!" Pero nahuli siya at di niya ito namalayan. Mabilis akong yumuko at di ako nahagip ng malaking hammer ng samientu'ng iyon.

Nagpatuloy sa pagtakbo ang kabayo at nahulog mula rito si Rock kasama ang samientu.

Ibinalik ko ang tingin ko at sumigaw.

"Rock!"

"Tumakas kana!"

Hinawakan ko ang lubid na nakakabit sa kabayo at hinila ito para tumakbo.

Mabilis naman itong kumaripas sa pagtakbo at malayo-layo na kami kay Rock, pero habang palayo ako ay parang inuusig ako ng konsensya ko.

"Ya!" Pagpapatakbo ko sa kabayo pero di ko maintindihan at bigla ko itong hininto dahilan para malaglag ako sa lupa na maraming duguang katawan.

Malakas ang pagkakabagsak ko pero di ko ito inalintana nang makita na nakahawak ako ng dugo galing sa katawan na nakadapa sa lupa.

Napatingin ako sa kamay ko... dugo...

Ayokong matulad nito ang mga kasamahan ko! Di pwede! Dapat di ako tumakbo! Dapat nandito ako!

Biglang pumasok sa utak ko ang pagsigaw ni Rock kaya napabulong ako.

"Pasensya na Rock, pero di ako tatakbo."

Inilibot ko ang tingin ko at mula sa mga katawan na nakahilata sa lupa ay nakakita ako ng isang bow at arrow na may dugo. Nakasakbit ito sa isang patay na katawan at dali-dali ko itong kinuha.

Mabilis akong sumakay sa kabayo at bumalik sa dinaanan ko.

Kinuha ko ang isang arrow sa lalagyan na nakasakbit sa likod ko at itinutok ito sa target ko.

Nakikita ko na ngayon si Rock at naglalaban sila. Sobrang bilis nila at may dugo na si Rock sa braso niya, parang ellite na ang kanyang kalaban kung ikokompara sa kanya at mahirap iyon.

I stretched my arms and positioned myself.

Target locked.

I released the arrow... it striked the air and inches away from that samientu... when he just swayed his head to avoid my attack.

Nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nagawa iyon kahit di siya nakatingin?

At masnanlaki pa ang mata ko nang bigla niyang inihagis sa lokasyon ko ang napakalaki niyang hammer...

Sobrang bilis kung lumipad nito at wala na akong choice, matatamaan ako kapag di ko ito ginawa.

Mula sa kabayo ay inihulog ko ang sarili ko sa lupa para maiwasan ang atake niya.

Di na pinalampas pa ni Rock ang pagkakataon at agad siyang nagpakawala ng pwersa galing sa mga kamay niya.

...at iyon ang pinakaunang beses na nakita ko ang skill niya... mga bato, at lumalabas ito sa palad niya at inaatake ang kalaban niya... kaya pala Rock ang pangalan niya...

At the same time, there was a samientu who was about to attack Rock from above and I jumped off the times and released my arrow to attack that samientu.

He has a blond hair and I think we're at the same age.

Malapit nang tumama sa kanya ang arrow ko nang bigla kong mamalayan na nawala siya mula himpapawid. Nagawa niyang itransmit ang katawan niya sa ibang lokasyon at ngayon ay nasalikuran na siya ni Rock.

At sa di ko inaasahan ay nasugatan na niya si Rock sa binti kaya napaluhod ito.

This Samientu is too clever... and I don't like it either...

Tinanggal ko ang saplot sa paa ko at tinastas ang laylayan ng long gown ko.

Mali sila na ito ang ipinasuot sa amin! Sagabal lang!

Agad akong tumayo at tumakbo papunta kay Rock bago pa tumama ang hammer niya sa leeg nito.

I activated my skill at walang pag-aalangan na ibinuhos ito sa samientu na iyon, bigla siyang nanigas na parang natulala at walang nararamdaman. Di ko rin alam dahil di naman iyon ang nangyayari sa mga taong ginagamitan ko ng skill ko.

Sinipa ko ang hammer niya at lumipad ito. Mula sa mga mata niya, nakita kong natauhan siya at pilit na dinama ang lakas niya. Alam ko...

Alam kong ilalabas na niya ang pwersa niya kaya di ko sinayang ang oras at agad na umatake... pero bigla akong natigil sa isinigaw niya.

Dinig ko ang galit sa boses niya at kita ko rin ito sa mga mata niya... galit na galit siya...

Pero masnahinto ako sa sinabi niya nang mapaluhod siya sa lupa.

"You... you... unskilled me!"

Napaatras ako at muling pumasok sa isip ko ang sinabi ni Third nung nagtraining kami... "You're still stubborn! Don't be afraid that your rival would be unskilled!"

Is it true?

That I unskilled this man?

Natigil ako at nawala na sa isip ko ang umatake pa, nang biglang ginamit ni Rock ang kaliwa niyang kamay...

Ang kamay niya...

Balot ito ng bato... parang ang buo niyang kamao ay naging bato saka niya ibinaon ang kamao sa tiyan nung samientu gamit ang isang malakas na pwersa.

"Don't let the surprise eat you!" Sabi niya bigla at hingal na hingal saka dumura sa gilid.

"Yes, I think I should not!" At agad na ini-release ang huling arrow na mayroon ako, sunod nito ang pagbaon sa dibdib nung samientu na may skill ng teleportation na di ko nahabol kanina.

Agad itong bumagsak sa lupa.

Sira siya kung di niya alam na naka -activate parin ang skill ko at di gagana ang pagteteleport niya kaya di niya kayang magpalipat-lipat at pwede ko siyang matamaan agad.

"You should know who's your rival." Huling bitiw ko.



***

Author's note:

Hello readers! Kamusta naman ang estoryang ito? Ayos pa ba ang takbo? Pasensya na ha medyo lutang lang kasi kaya di makapagsulat nang maayos... you're free to comment but please be responsible with every word, the way you use it... Thanks :)

Good night! Aasahan ko kayo sa susunod na chapter! Love you all!

Sylum Academy of Skill Exertion (Editing)Where stories live. Discover now