Chapter 35: The Green Cape

3.3K 99 16
                                    

"I love you. But, I am willing to give up everything for my family... Even if it is you. "

Paulit-ulit parin na tumatakbo sa isip ko ang mga salitang binitawan ko nung huli kaming magkaharap.

Ika-tatlong araw na ito na hindi ako pumasok sa pagsasanay. Hindi ko alam kung pagod lang ako o iniiwasan ko lang si Third.

Napapikit ako. Just this chapter of my living, I am confused with my emotion.

Napatanaw nalang ako sa madilim na langit at tinitingnan ang mga bituin at buwan na siyang tanging nagsisilbing ilaw sa gabing ito. Maliwanag ang langit taliwas sa nararamdaman ko.

"You can't define happiness without even feeling sadness." I breathed deep as I heard Katana said it. Nakaupo ako ngayon sa malaking sanga ng puno dito sa likod ng building kung saan ang natitirikan ng punong ito ay ang nag-iisang burol dito sa loob ng Sylum.

Tanaw na tanaw ko ang kulay ng liwanag na dala ng lampara sa buong town ng Medulla at ganoon na rin sa Central Market. Natatanaw ko rin ang Akillums Mountain kung saan nakatayo ang mansion namin. Agad naman na naupo sa tabi ko si Katana. It feels the same even we're now here inside the gates of Sylum, it still feels comfortable with her.

"Whenever I am with him I am at peace." My voice is low. It does not sound cold, it's just filled with sadness that I've never expected.

A while ago, I felt her hands on my back as she patted me. Napalingon ako sa mukha niya, nakangiti siya pero sa mata niya ay may makikita kang kalungkutan.

Napahinga ako nang malalim at nginitian siya nang kaunti at nagsalita.

"You miss your family?" ani ko. Tahimik lang ang paligid lalo pa't alas dyes na ng gabi ngayon. Tumawa siya nang mahina, yung tawa ngunit maririnig mong may lungkot sa puso niya.

"Sobra." sabay pahid niya sa mga luha na lalandas na sana sa pisngi niya saka suminghot ito. Nakatitig lang ako sa babaeng ito.

Wala paring nagbago kahit na malalaki na kami. Iyakin parin.

Napangiti ako sa kanya. Magaganda paring tingnan ang kulay brown niyang mata kahit pa umiiyak siya habang winawasiwas ang itim niyang buhok ng hangin. Kakaiba siya, makikita mo parin ang kagandahan niya sa ilalim ng madilim na gabing ito. Simula bata pa lang kami siya yung umaaway sa mga kaaway ko at ako naman ang dumidepensa sa kanya kapag may nakakaaway siya. Malapit siya sa pamilya niya at mahal na mahal niya ito.

"Talaga bang gagawin mo ang lahat para sa pamilya mo kahit pa ang kapalit nito ay ang minamahal mo?" napangiti ako sa tanong niya habang umiiyak parin siya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinimas-himas ito. Para siyang bata na umiiyak. Ang swerte ko lang na naging kaibigan ko siya. Kanina ay nasabi niya na rin sa akin na si Third daw ay nagkaroon ng fracture sa kanyang kanang arm dahil sa nangyaring combat sa pagitan nila ni Releigh during the second day na wala ako.

Maya-maya pa ay nagsalita ito kahit pa putol putol na siyang magsalita dahil sa pag-iyak.

"Gagawin ko rin ang lahat para sa pamilya ko, Sath." nakatingin lang ako sa mga mata niya. Parang may sakit siyang nararamdaman ngunit hindi ko nalalaman. Sunod-sunod din ang pagbagsak ng mga luha niya kaya niyakap ko siya at ganoon rin siya sa akin.

"Patawad, Sath." sabay na kaming bumalik ni Katana sa mga kwarto namin upang matulog dahil gabing gabi na rin. Napangiti ako. Masaya lang ako kasi nakausap ko uli siya nang matagal tagal matapos ang ilang araw ng pagdating nila dito. She's right, I couldn't define sadness without even feeling happiness. And I might not know that I am happy right now if I haven't defined sadness which I felt lately.

Sylum Academy of Skill Exertion (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon