Author's Note

4.4K 61 13
                                        

Hello mga kababayan ko sa Pilipinas! Charrr! Hahahaha. So ito na nga natapos na nga ang storya. Ito na talaga tapos na talaga siya.

Unang una sa lahat, maraming maraming salamat po sa lahat ng mga nagbasa ng istorya kong ito. Maraming maraming salamat po sa pagtyatyaga kakaantay ng mga updates ko. Sa sobrang tagal nga inabot ng 3 years bago ko matapos tung storya na'to. Hahahah. Ano nga bang ginawa ko sa loob ng 3 years at ngayon ko lang to natapos 🤔🤔🤔 HAHAHAHAH CHARR! Maraming maraming salamat sa pagbabasa ng istorya kong ito sana tumatak ito sa inyo at hindi niyo makalimutan ang mga karakter na ipinakilala ko sa inyo. Sa totoo lang, masakit din talagang tapusin 'to kasi hindi ko pa nga isinusulat yung panghuling chapter parang hindi ko na kaya. Nakakamiss kasi. Pero ito, kailangan talaga nating umabot sa dulo. Kaya maraming maraming salamat sa mga silent readers ko at sa mga maiingay dyan! Hahaha. Maraming maraming salamat kasi talagang nakakatulong sa isang manunulat kung may nagbabasa ng kanyang istorya, nagvovote at nag cocomment. Sa katunayan kasi, isa sa mga rason kung bakit inabot ako ng apat na tao ng pagsusulat nito ay dahil noon kasi wala akong readers, kaunting kaunti lang siguro mga 10. Minsan kasi kapag nagsusulat ka at walang tumatangkilik ay nawawalan ka ng gana magsulat kahit pa mahal na mahal mo ang pagsulat. Kaya natuwa ako lalo na nung may mga comments at votes na akong natatanggap paunti unti. Sobrang saya sa pakiramdam kaya maraming maraming salamat. Pero sa apat na taon ko pong pagsusulat nito, isa lang ang masasabi ko. Maganda parin ako. Hahahaha charrr joke. Hindi, sa totoo lang bilang isang manunulat mahirap na mahirap igain ang kahit na iisang reader o kung sino yung mga readers na magstastay sa buong storya hanggang matapos, lalo na ang mga votes mahirap na mahirap itong makuha, kasi nga hindi over night ang pagkakaroon ng maraming readers. Kaya ayon, sa sobrang tagal nawalan na rin ako ng pag-asa na may magbabasa nitong storya ko. Huminto ako sa pagsusulat at nitong 2018 bumalik muli ako. At doon mas naganahan na akong magsulat dahil sa taong iyon doon ako nakakuha ng lakas ng loob para ipagpatuloy ito kasi may mga nagcocomment na at nagvovotes. At sa totoo lang nakakatuwang basahin ang mga comments niyo. Minsan naiiyak din ako sa tuwa. Mahal na mahal ko kasi talaga ang pagsusulat kaya masayang masaya ako na sa wakas may mga nakakapansin na rin sa mga isinulat ko, lalong lalo na ito.

Pangalawa, sabi ko nga mahirap talaga sa umpisa. Pero sa lahat ng mga aspiring writers, huwag kayong sumuko agad. Mag antay lang tayo, mangarap at magsulat. Magsulat tayo hindi para sumikat agad kundi para rin sa ating mga sarili na minamahal ang pagsulat. Kapag may nagsabi na wala tayong mapapala sa pagsulat at dapat ihinto na natin ito, huwag na huwag kayong susuko. Hindi man tayo makapantay o makatuntung man lang sa lebel kung saan maraming tumatangkilik sa atin, huwag mawawalan ng pag-asa. Magsulat tayo dahil gusto natin at para tayo ay makahinga. At sinasabi ko sa inyo, masarap ang mga bagay na pinaghihirapan kahit pa sobrang tagal dumating. Tandaan po natin na ang bawat isang reader ay isang blessing. Be grateful po at stay humble po tayo. Huwag po makalimot magpasalamat sa Panginoon. Para sa mga readers naman, maraming maraming salamat sa walang sawang pagbabasa sa bawat istorya dahil kung wala kayo wala rin namang lakas ng loob magsulat ang mga kagaya kong manunulat dahil isa kayo sa hinuhugutan nila ng lakas.

Pangatlo, so may inspiration ako nito sa pagsusulat! Hahaha. Nabasa ko kasi ang isang katha ni April_avery na pinamagatang Titan Academy kaya nainspire ako na gumawa ng sarili kong katha na action at fantasy ang genre. Lubos ko rin po kasing hinahangaan si April_avery dahil sa kanyang mga katha na talagang may punto at may matututunan ka. Kaya naman bilang isang manunulat, sana nabigyan ko po kayo ng isang alaala na hinding hindi niyo makakalimutan at aral na inyong panghahawakan.

Thank you and God bless!

- Prenzuu.

Sylum Academy of Skill Exertion (Editing)Where stories live. Discover now