Chapter 4: Stupidity

14K 608 63
                                        

Maaga akong nagising dahil medyo napaaga din ang tulog ko kagabi. Di na nga ako nakapaghapunan, e.

Agad akong naligo at nag-ayos saka isinuot ang uniform ko na nakalagay sa sofa sa gilid ng pinto.

Malaki ang kwarto kung ikokompara mo sa isang simpleng dorm lang. Dito sa loob sobrang ang titingkad ng ilaw at halos lahat ng gamit ay mamahalin. Di rin mawawala yung mga roses at nakalagay ito sa table ko sa gilid nitong kama ko. May canopy din ang kama which is katulad nung sa akin sa bahay. Kulay sky blue yung canopy at may nakasabit pang mga crystals sa gitna.

Tinignan ko ang itsura ko sa full length mirror, medyo naninibago ako sa itsura ko. Dominant yung color na navy blue sa uniform na suot ko ngayon. At kung sa maroon na uniform namin nung una sa Mellanium ay para akong sadista, dito naman sa uniform na suot ko ngayon ay pinagmukha nila akong mabait at anghel. Nakakatawa.

Di na ako nagtagal pa at lumabas na ng kwarto dahil bandang 5:30 na ng umaga.

Pinihit ko ang doorknob at nakayuko na lumabas nang biglang may magsalita.

"Late ka ng limang minuto." Mabilis akong napasalampak sa pinto at bahagyang napatalon dahil sa bigla-biglang pagsasalita ng lalaking nag-aantay sa labas.

Nang mapansin kong si Third ito ay inayos ko kaagad ang sarili ko lalo pa't nakatitig siya sa akin with his familiar brows arching and asking.

Isinara ko ang pinto at naunang maglakad nang di siya nililingon.

"Ganda ng bati mo sa umaga ko ha!" I said sarcastically and I rolled my eyes while simultaneously walking.

"Today will be the elimination for the 1st Level of the Annual Battle of Hearts. It is a necessity." Nakakabagot siyang kausap, di niya ba alam? Laging nakamonotone yung deep niyang boses na walang kabuhay-buhay at laging seryoso with his tightened jaw.

"So?" maiksing sagot ko.

"It's necessary."

"Not listed in my interests."

"You will."

"Why does this school has heck no freedom?" I stopped walking and signed in disbelief. There's a hint of irritation in my words.

There, as I said those he pulled me towards him and held my wrist tightly. Now I understood why he's trusted by the headmaster, because he has the authority of a leader. I might seemed weak admitting this, but he's strong and his seriousness makes me want to follow him. But something's happening, I don't know what it is; I feel a bit detached from myself... It's strange.

"I hate stubborns. So do it." He immediately dismissed my wrist from his bare strong hand after saying those.

Napakunot ang noo ko sa ginawa niya. Stupid school! They don't really have freedom. Padabog akong naglakad habang sinusundan siya palabas ng dorm.

Nakakainis. Ayokong natatalo sa ganitong sitwasyon!

Bumaba kami sa grand stairs at naglakad papunta sa likurang parte nito nang makababa. Mayroon palang double door na pinto dito at di ito nakikita dahil natatabunan ng grand stairs.

Binuksan niya ang pinto at nakita ko ang malaking hall na puno ng mga mahahabang mesa kung saan busy ang mga estudyante sa pagkain.

Hinila niya ako papunta sa isang mahabang mesa at pinaupo sa bakanteng seat.

"Problema nito." naiinis na bulong ko.

"Eat." Tinitigan ko lang siya, yung titig na sinusuri siya at saka pinanliitan ko ito ng tingin.

He actually looked very presentable, his composure proclaims authority and his face is dead serious. Ibinaling ko ang tingin sa pagkain na nasa harap ko at kumain nalang imbis na magtitigan kaming dalawa.

Sylum Academy of Skill Exertion (Editing)Where stories live. Discover now