Chapter 2

839 32 0
                                    

Chapter 2: Magical Mystic


~Summer's POV~


"Straight!"


Tumayo ng diretso si Amara nang sumigaw si Sir Rain.


"Concentrate!"


Napatawa na lang ako nang kinamot ni Amara ang ulo niya.


Mystic Mastering ang subject namin kay Sir Rain. Meaning, tuturuan kami ni Sir Rain ng iba't-ibang techniques na pwede naming gawin with the use of our mystic.


Kasulukuyang tinuturuan ni Sir Rain si Amara tungkol sa kanyang mystic. Tinutulungan ni Sir si Amara para matuklasan niya ang kanyang mystic.


"Now, close your eyes." utos ni Sir na agad namang sinunod ni Amara.


"Think of what happened to you when you're just a child. Think of the things you are able to do back then."


Naramdaman kong naging peaceful ang aura ni Amara. I tried to read her mind and I saw lot of things.


Merong isang scene na parang nakikipaglaban siya sa isang lalaki. Obviously, mas malaki ang katawan ng lalaki kaysa sa kanya.


Sinubukang suntukin nung lalaki si Amara pero nakailag si Amara at sinipa niya ang tuhod nito. Natumba ang lalaki pero agad ding tumayo. 


Akmang susuntukin niya ulit si  Amara ngunit napigilan ito ni Amara. Hinawakan niya ang braso nito at inikot and boom! Tumba ang lalaki.


The scene shifted into a room. Nakahiga si Amara sa kama at parang nananaginip siya.


Hmm... Ano kayang panaginip niya?


Pinasok ko ang isip niya sa kanyang panaginip. Nasa isa siyang school. Pero, familiar ang suot niyang damit. Yun ang uniform niya. White dress with a tone of red below covered with a red hooded cape.


Nakita kong tumungo siya at may humawak sa balikat niya. 


Wait, kamay ko yun diba?


Nasa harap na siya ngayon ng isang pintuan. Dahan-dahan yun bumukas at tatlong tao lang ang nasa loob. 


Blurred ang mga mukha nila. Pero parang sina Spring yun dahil green ang buhok niya samantalang orange naman at blue ang kulay ng buhok ng dalawang lalaki.


The scene shifted again. Wooh! I feel like I'm going to vomit. Nahihilo na ako.


Nakita ko si Amara na nakatayo sa ilalim ng puno. Nakatingin siya sa itaas kaya tumingin din ako. Nakita kong may maliit na kuting na nakaupo sa sanga ng puno.

The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now