Chapter 5

529 18 0
                                    

Chapter 5: Tour Guide


~Amara's POV~


"Ako na."


"Hindi, ako na."


"Ako na nga sabi, eh!"


"Mas magaling ako. Ako na lang!"


"Bitawan mo siya! Ako na lang."


Natatawang hinatak ko ang aking mga kamay sa pagkakahawak nilang dalawa. Ending, tumba silang pareho.


"Ouch!" reklamo ni Summer.


Tumawa ako. "Ano ba kayo? Bakit nga ba kasi kayo nagtatalo? Dinamay niyo pa yung kamay ko." natatawang tanong ko sa kanila.


Tumayo silang dalawa at sabay na tinuro ang isa't-isa. 


"Kasi sabi ko sa kanya, ako na lang magtu-tour sayo pero ang kulit nitong si Summer." pagrereklamo ni Spring.


Nanlaki ang mga mata ni Summer saka tinuro ang sarili niya. "Ako? Eh, ako nga ang TOTOO niyang tour guide. Hindi ikaw." naiinis na sabi ni Summer habnang dinidiinan ang salitang 'totoo'.


"Bakit ba? Porke't ikaw ang TOTOONG tour guide, bawal na ako?" 


"Oo! Dahil ako lang ang pwede!"


"At bakit naman? Pagmamay-ari mo ba siya?"


Pumagitna ako sa kanilang dalawa sabay extend ng kamay ko. "Oo na, tama na." natatawang sabi ko.


Lumayo sila sabay talikod at nagcross-arms. Lalo akong natawa. "Ganito na lang." pagsisimula ko.


"Kayo na lang pareho ang mag-tour sa akin." suhestiyon ko.


Sabay silang humarap sa akin. Ngumiti si Summer sa akin pero nang makita niya si Spring ay umirap siya.


"Sige na nga." parang nahe-hesitate na sabi niya.


Humarap naman ako kay Spring. Meaning, tinatanong ko kung okay lang ba sa kanya.


Dahan-dahan siyang tumango. "Game."


Ngumiti ako. Hinatak ko na pareho ang kamay nilang dalawa. 


"Eh di, tara na!"


<><><><><><><><><><>


"Sure akong alam mo na 'to. Ito yung Field. Dito tayo nag-train kanina." sabi ni Spring.


The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now