Chapter 30

235 14 0
                                    

Chapter 30: The Legend


~Third Person's POV~


17 years ago


"Emerald." Marahang pinunasan ni Inferno ang mga luha sa pisngi ng kanyang asawa.


Inangat ni Emerald ang kanyang tingin. "Paano na si Amara, Inferno? Maaari siyang mapahamak dito!"


Inferno gave Emerald a smile, a reassuring one. Although, he knows what might happen to his daughter. "Huwag ka nang umiyak, Mera. Nakaisip na ako ng plano, kahit alam kong sobrang sakit gawin nito. Ngunit, ito lang ang maaari nating gawin upang masigurong ligtas si Amara sa kapahamakan."


Ito ang nakakuha ng buong atensiyon ni Emerald. "Ano ang iyong naisip, Inferno?"


Umiwas ng tingin si Inferno saka nagsalita. "Dadalhin ko siya sa mundo ng mga tao."


Nanlaki ang mga mata ni Emerald. "S-Sa mga tao?"


Tumingin si Inferno sa asawa. Tumango ito. "Iyon lang ang alam kong paraan, Mera. Mahal ko din si Amara. At mas maigi na iyon upang walang makakita sa kanya."


Tuloy-tuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha ni Emerald. Naiintindihan niya naman ang kanyang asaw pero sadyang napakasakit na mapapahiwalay siya sa kanyang anak ng maaga.


Halos dalawang buwan pa lamang si Amara nang magkaroon ng giyera sa pagitan ng Cassius at Atticus. Nagkaroon ng alitan sa dalawang hari ng dalawang kaharian kung kaya napagdesisyunan nilang mag-digmaan.


Isang prinsipe si Inferno habang si Emerald naman ay ang anak ng kasalukuyang namamahala sa Astria High, ang nag-iisang paaralan para sa mga Atticans, ng mga panahong iyon.


Maagang nag-isang dibdib ang dalawa. 23 pa lamang si Inferno habang 21 naman si Emerald nang magkaroon sila ng anak.


Ngunit sa kamalas-malasan, ipinanganak niya ang kanyang anak kasabay ng pagsisimula ng paghahanda ng dalawang kaharian sa nalalapit na digmaan.


Tinignan niya ang kanyang anak na kahit sa gitna ng giyera, ay nakangiti pa rin.


Kahit na natatakot siya para sa kanyang anak, gusto niyang nakangiti siya sa maaaring huling kita niya sa kanyang anak.


Lalo itong napangiti nang hawakan ni Amara ang kanyang pisngi. Hinawakan niya ito saka lumuluhang ngumiti.


"Amara, patawad kung magkakalayo muna tayo sa ngayon. Pero, kailangan mong maging ligtas. Ikaw ang susunod na maghahari sa buong Atticus, Prinsesa Amara." 


<><><><><><><><><><>


Present


~Amara's POV~

The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now