Chapter 33

222 9 0
                                    

A/N: Dedicate ko sa sa pinaka-impatient na tao sa buong mundo! Hahaha, joke! Oh, Sweet_RevengeAlice. Yan na po, ah. Nakapag-update na ako. Next time po, wag impatient. Hahahaha! Chos!



Chapter 33: Lost


~Third Person's POV~


"Ako nga, Ama."


The knight's eyes widen in shock. He saw the man he's staring at now a hundred times but he didn't know he's the son of the recent king.


Humalakhak ang lalaki nang makita ang pagkagulat sa mukha ng hari.


"Bakit, Ama? Hindi ka na ba sanay na tinatawag kitang ganun?" Tila nang-aasar na tanong niya.


"F-Frost?,"


May tumulong luha mula sa mata ng hari.


"Tsk," Umikot-ikot si Frost, pinapakalma ang sarili. Nang matapos ay humarap siyang muli sa hari.

"F-Frost, h-hindi mo alam kung gaano kami nag-alala say--"


Naputol ang pagsasalita ng hari nang may malakas na tumawa.


"Kayo? Nag-alala? Sa akin? Tsk." Ginulo niya ang buhok niya bago magsalita ulit. "Parang imposible yata yun."


Nanlaki ang mga mata ng hari. Nang makaramdam ay naglakas-loob nang magsalita ang hari. "Aalis na po ako, Haring Thunder."


Hindi umimik ang hari kaya lumabas na siya ng silid kasama ang mga alalay ni Thunder.


"Ano ang iyong ibig sabihin, Frost?"


Nang mapuno ay hindi na niya napigilan ang sagutin ang hari. "Hubert! Yun na ang pangalan ko ngayon!"


Bakas ang pagkagulat at pagkalito sa mukha ng hari. "H-Hubert?"


"Matagal ko nang tinalikuran ang pangalan na Frost. Kung hindi niyo lang sana ako iniwan doon nang dahil kay Kuya! Kung sana inisip niyo din ako!" Galit na sambit nito sa ama.


"Fro-- I mean, Hubert. Anak ka namin at, paano mo nasabing hindi ka namin inaalala? Alam mong kaya kong malaman kung may mangyayaring masama sa inyong dalawa. At nakita ko, ang kuya mo,--"


Mapait na tumawa si Hubert. "Talaga? Eh bakit ako? Hindi mo rin ba nakita na nasa paligid lang ang panganib nang mga panahong iyon?"


"Anak," Lumapit ang hari ng isang hakbang ngunit lumayo naman si Hubert.


"Don't call me that as if you treated me like your son." Muli siyang tumawa. "All this time, naging mabait ako sa inyo ni Mom. But you didn't treat me the way I treated you."

The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now