Chapter 10

348 18 0
                                    

Chapter 10: Invaders


~Third Person's POV~


All of the students are running, terrified. While the Desu Clan is still standing beside the door, not yet recovered from what they had just saw.


"Run for your lives!"


Naagaw ang attention ng Desu Clan ng isang matinis na boses. Lumingon sila at nakita si Lady Emerald na papalapit sa tatlong lalaking naka-kapa.


Agad na lumabas si Spring. "Autumn, tara na. Baka nagkakagulo na ang iba pang estudyante." utos ng dalaga sa kambal.


Mabilis na lumabas ang Desu Clan ngunit sa di inaasahang pagkakataon, may bumunggo kay Amara.


"Amara!"


Lumapit si Spring sa kaibigan. Bumagsak ito sa sahig habang nakapikit.


"Ayos ka lang?" tanong ni Spring at lumuhod sa harap ni Amara.


Binatukan ni Autumn si Spring. "Malamang. Saan ka nakakita ng natumba na ayos lang?" sarkastikong tanong nito sa kambal.


Tumayo si Spring at nagsimula nang magrambulan ang kambal. It's Summer's turn to approach Amara.


"Amara--"


"Let me help you get up."


Nanlaki ang mga mata ni Summer at tinignan niya si Winter habang palapit siya kay Amara. Tumayo si Summer at tinignan kung paano tulungan ni Winter si Amara sa pagtayo.


"Thank you." mahinang sabi ni Amara kay Winter.


"Sa tingin mo, kaya mo bang maglakad?" mahinahong tanong ni Winter.


"H-Hindi ko alam." Ang nasabi na lamang ni Amara habang tinitignan ang paa.


Ngumiti si Winter na nagpagulat kay Summer. Napatakip siya sa kanyang bibig habang ang kambal naman ay kumislap ang mga mata pero nanatili silang tahimik.


"I'll help you." alok ni Winter. Tumango at ngumiti naman si Amara dito.


Humarap si Autumn sa mga kasamahan. "Dito na lang muna kayo. Kami na lang ni Summer ang bahala sa mga estudyante. Bantayan niyo na lang si Amara dito dahil hindi pa niya kaya maglakad. Iligtas niyo kung may mga iba pang estudyanteng dadaan dito." seryosong sabi nito saka humarap kay Winter.


Wala nang ibang nagawa ang binata kung hindi, tumango.


Humarap naman si Autumn sa dalawa pang dalaga. Tumango naman ang mga ito.


Mabilis na umalis ang kambal sa nangyayaring kaguluhan at nakipagsabayan sa mga tumatakbong estudyante. 

The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now