Chapter 12

345 22 3
                                    

Chapter 12: Announcement


~Amara's POV~


Bigla akong nagising at agad na napaupo. Nilibot ko ang tingin sa paligid at napansing kasalukuyan akong nakaupo sa isang puting kama sa isang puting silid.


Mayroong isang upuan sa gilid ko at may nakita din akong ilang mga pagkain sa isang desk.


"Amara!"


I quickly looked at my left just to see Summer running towards me while her hands are wide open.


Uh-oh!


Iiwas sana ako kay Summer pero huli na dahil agad na niya akong nayakap. Take note, mahigpit yung pagkakayakap niya, ah.


"Amara! Miss na miss na kita!" sigaw niya saka lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap niya.


Ngumiti ako saka hinawakan ang mga kamay niya. "S-Summer, I-I can't b-breathe."


Agad siyang lumayo at nag-aalala akong tinignan. Ngumiti na lang ako sa kanya.


"S-Sorry. Nadala lang." sabi niya saka nag-peace sign.


"Nadala lang pala, ha?"


Nagulat ako nang marinig ang boses ni Spring. Lumingon ako sa pinto at nakita siyang nakatayo doon kasama sina Winter at Autumn.


Ano ba naman 'yan. Nang dahil kay Summer, hindi ko sila napansin.


"Sandali lang, nasaan ako?" tanong ko nang maalala kung bakit ako nandito.


"You faint after we was thrown away by the impact made by the fight between Lady and the invaders. Since then, you haven't waked up yet. Honestly, you've been asleep for almost three days."


*Katahimikan*


"What?!" tanong ko nang mag-sink in sa akin ang mga sinabi ni Winter.


Nakatulog ako ng halos tatlong araw? Holy!


"Uh, nahimatay ka matapos tayong tumalsik dahil doon sa impact na ginawa ng labanan nina Lady at ng mga invaders. Simula nun, hindi ka na gumising pa. Sa katunayan, halos tatlong araw ka nang tulog."


Binatukan ni Autumn si Spring.


"Bakit ba?" reklamo ni Spring habang hinihimas ang batok niya.


"Eh, tinagalog mo lang yung sinabi ni Winter."


"Sabi niya 'what?!' daw, eh. Akala ko hindi niya naintindihan. Kaya, tinagalog ko na lang."


The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now