Chapter 37

213 12 2
                                    

Chapter 37: Meet the Cassius Prince



~Amara's POV~


I'm so happy I finally got my mystic! For Pete's sake! All it takes is just patience. Bakit pa ba kasi ang tagal ng birthday ko.


For further information, July 11 ang birthday ko. The exact day I finally confirmed my friend is the traitor.


Tumingin ako sa aking likuran at nakitang wala pa ring malay si Summer. Ilang metro na lang ay nandoon na kami sa division ng Cassius sa Atticus. 


Ang sabi ni Winter, dadalhin niya muna ako sa Atticus. Pagkatapos, babalik din siya sa Cassius. Labag man sa aking kalooban, kailangan ko siyang sundin. Para din naman kasi ito sa ikabubuti ko.


"Amara?" Nagulat ako nang magsalita si Winter. Maybe I was really pre-occupied by my thoughts.


"Okay ka lang?"


Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang ako."


Halata ang pag-aalala sa mukha niya. "Sigurado ka?"


Tumango ako. "Oo." Umiwas ako ng tingin at tinitigan na lamang ang langit. Kitang-kita mula sa pwesto kong ito ang mga bituin. "Siguro, sobrang saya ko na sa wakas, may mystic na din ako. May maipagmamalaki na din ako."


Narinig ko ang mahinang tawa ni Winter kaya napatingin ako sa kanya. "Oh, bakit ka tumatawa?"


"Dati ka pa naman may naipagmalaki Amara, eh." sabi niya saka nilagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya.


"Huh?" naguguluhang tanong ko saka tumingin ulit sa daanan. "Meron ba? Parang wala naman, eh."


"Ikaw ang pinaka-unang Attican na pinagkaguluhan ng mga tao dahil kinuha ka ng Cassians."


Automatic ko siyang pinalo sa braso. "Hey!"


"Totoo naman, eh. Bigla-bigla kasing nag-announce si Lady Emerald na aatake kami sa Cassius para makuha lamang," Lumuhod siya saka tinaas ang kamay niya sa harap ko. "ang babae sa propesiya."


Tinulak ko siya sa dibdib kaya natumba siya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at binalewala ang mga daing niya.


Kanina pa siya ganyan. Kung hindi 'ang babae sa propesiya', 'the lady in the prophecy' naman.


Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko. Pagkalingon ko, si Winter pala. "Ansakit nun, Amara, ah!"


"Sorry naman po. Ikaw kasi, eh." sabi ko.


Nagpatuloy lang kami sa paglalakad nang may matandaan ako. "Ang sabi mo, bigla-biglang nag-announce si Lady Emerald na aatake kayo sa Cassius."

The Lady in the ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon