Chapter 7

423 22 3
                                    

Chapter 7: Library


~Amara's POV~


Gusto kong pumunta mamaya sa Library. Gusto kong malaman kung ano ang mga royalties.


Kanina kasi, pinatawag si Ms. Sunny ng babaeng nagsabi din sa amin kanina na lumipat ng room. Ang sabi daw, pinapatawag ni Lady Emerald.


Hindi kasi nakuwento ni Ms. Sunny yung tungkol sa Royalties kaya curious ako. Bitin!


Pero baka sumama sa akin si Summer. Baka malaman niya ang mga iniisip ko ngayon.


Eh, gusto ko talagang magbasa ng tungkol sa kanila.


Pero bakit ba sobrang curious ako? Bakit apektado ako?


Baka dahil bago lang ako dito? Dahil namangha ako na may royalties dito sa Atticus?


Tama! Dahil namangha lang ako.


"AMARA!" 


Napatalon ako sa gulat nang may sumigaw ng pangalan ko.


Lumingon ako sa paligid at nakitang nakatingin silang lahat sa akin. Well, except for Winter whose reading a book.


Binalik ko ang tingin ko kay Summer dahil sigurado akong sa kanya galing ang sigaw na iyon.


"B-Bakit?"


Tinaas niya ang kilay niya saka pinitik ang noo ko.


"Aray. Ano ba?" reklamo ko.


"Alam mo ba kung ilang beses ka naming tinawag? Lima!"


Nagulat ako. "T-Talaga?"


"Ay, kasasabi pa lang 'di ba?"  sabi ni Summer.


That means I'm so pre-occupied.


Nagsimula na ulit maglakad ang iba habang si Summer naman ay nag-stay sa tabi ko.


"I know what you're thinking of doing tonight, Amara."


Nagugulat na tumingin ako sa kanya saka nagmakaawa, "Summer, tulungan mo naman ako. Gusto ko kasi talagang magbasa ng tungkol sa Royalties. Eh, 'di ba may curfew dito?"


Mukhang naghe-hesitate siyang um-oo, kaya nag-pout ako.


Kumislap ang mga mata niya at dali-daling sumagot, "Game!"


<><><><><><><><><><>

The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now