Chapter 13

304 18 0
                                    

Chapter 13: Forcing Her


~Summer's POV~


"Cassius is our enemy. Hundreds of years back then, a war happened between Cassians and Atticans. And that's the reason why the first Royal Family died."


Nanlaki ang mga mata ni Amara. "What?!"


Tumayo ako at dahan-dahang tumango. Kumuha ako ng tubig at ininom iyon.


Habang iniinom ko ito ay naramdaman kong lumapit sa akin si Amara.


"Anong ibig mong sabihin na namatay ang unang royals dahil doon sa war?"


Humarap na ako sa kanya at tinignan siya ng seryoso. "Do you really want to know it?"


Agad siyang tumango habang nakangiti. "Yes!"


Ngumisi ako. "Do you really want to know it?" mabagal at nakakaasar na sabi ko.


Tumango ulit siya. "Yes!"


"Then you'll know it tomorrow." nakasimangot na sabi ko saka pumunta na kay Spring na tawa lang ng tawa.


"Summer!"


Padabog siyang lumapit sa akin saka hinawakan ang braso ko. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.


Nag-puppy eyes siya sabay pout. "Please?"


Omo! Ang cute niya! (*u*)


Ugh! Huwag kang papatalo, Summer. Alam kong mabilis kang madala kapag ganyan. Pero ibang kwento 'to.


Hindi.


"Sige na nga."


Nagtatalon si Amara habang nakangiti. "Yey!"


Bakit magkaiba ang nasa isip ko at ang salitang lumabas mula sa bibig ko?


Teka, ganun na ba ako kabaliw?


Wah! *rolls over*  Hindi 'to pwede!


"Uy, Summer!"


Napatalon ako at agad na napatingin kay Amara na nakaupo na sa bed niya. May hawak siyang popcorn na hindi ko naman alam kung saan niya nakuha. 


"Simulan mo na." sabi niya saka kumuha ng isang popcorn.


Tumabi sa kanya si Spring. "Uy, pahingi din ako."


Binigay ni Amara yung lalagyan ng popcorn kay Spring. Kumuha si Spring ng isang piraso nun saka nginuya ng dahan-dahan.

The Lady in the ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon