Chapter 38

207 11 2
                                    

Chapter 38: Day of Surprises



~Third Person's POV~


Agad na napaupo si Summer nang makita ang prinsipe sa kanyang harapan. Gulat na gulat siya.


"A-Anong ginagawa niyo dito, prinsipe? H-Hindi ba dapat nasa Maynila ka ngayon?" hindi makapaniwalang tanong niya.


Mahinang tumawa ang prinsipe. "Anong ginagawa ko? Eh kung tanungin mo kaya ang sarili mo. Nandito ako para sa babaeng ito." sabi niya sabay turo kay Amara kaya napaatras siya.


Tumingin si Summer kay Amara at agad itong kinabahan.


"Oh?" napatingin muli si Summer sa prinsipe. "Bakit parang kinabahan ka? Akala ko ba malakas ka?"


Hindi nakapagsalita si Summer. Hindi makapaniwala si Spring sa nasasaksihan ngayon.


"Wait," iniharap ni Neon ang palad sa kanila saka nilagay ang isang kamay sa baba.


"Parang may naalala ako, Summer. Hindi ba't umamin ka na sa aking ama?"


Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi niya akalaing makararating ito sa kanya sapagkat nasa labas siya ng Magic Society noon.


"Bumalik ako dahil sa mga nakalap kong balita. Una," itinaas nito ang isang daliri. "Sinabi ng aking mga kaibigang paniki na nakuha na daw ng ating kampo ang babae sa propesiya." sabi niya sabay tingin kay Amara.


"At dalawa," nagtaas pa ito ng isang daliri saka binigyan ng matutulis na tingin si Summer. "Ang pag-amin mo na isa kang Attican sa hari."


"Prinsi--"


"No need to explain." sabi ni Neon habang nakangiti. "Alam ko, na na-realize mong maling desisyon ang pagsunod sa akin at pagtaksil sa mga kaibigan mo."


Ang kaninang ngiti ay napalitan ng isang ngisi. Pasimple niyang kinuha ang mga dagger na dala. Kumuha siya ng isa saka ipinakita sa kanila.


Napaatras silang lahat at aksidenteng nagpakawala si Winter ng ice ball. Buti na lang at napigilan ito ni Amara at nasira niya ang ice ball.


"Winter." mahinang sabi ni Amara. Maiksi man ngunit alam ni Winter na binabalaan siya ng kaibigan. (A/N: Kung kaibigan LANG! *u*)


"So, what does your act mean, Amara?" That caught Amara off guard. "Are you protecting me to not cause trouble or,"


Nagulat si Amara nang mabilis na makapunta sa kanyang harapan ang prinsipe saka siya sinakal. 


Akmang magpapakawala muli si Winter ng ice ball kay Neon pero nailabas niya ang kanyang wand at agad itong napigilan gamit ang isang freezing spell. Yelo man ang kapangyarihan ni Winter ngunit hindi niya pa napag-aaralan ang anti-freezing spell.

The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now