Chapter 9

374 24 2
                                    

Chapter 9: A Surprising Circumstance


~Summer's POV~


Nang makarating na kami sa room namin, binuksan agad ni Amara ang pinto. Humiga agad ako sa kama habang si Amara naman ay uminom ng tubig.


Matutulog na sana ako nang magsalita si Amara, "Why is Winter so cold?" 


Umupo ako at tamad na humarap sa kanya. "Because it snows when winter comes?" sarcastic na sagot ko.


Kinamot niya ang ulo niya at pumunta na sa sarili niyang kama. "What I mean is, bakit laging naka-poker face si Winter? Winter as in si Winter. Hindi yung winter na nagii-snow." naiinis na tanong niya.


Nag-shrug ako. "I don't know. Bakit hindi mo sa kanya tanungin?" nang-aasar na tanong ko.


Matamlay siyang humiga at saka bumuntong-hininga. "Kapag kasi nagtatanong ako, lagi siyang pilosopo. Ang hirap kausapin." sabi niya.


Nanlaki ang mata ko. "Don't tell me na nandun si Winter sa library kanina?" nanlalaking-mata pa ring tanong ko.


"Yes. He's there. Siya yung naging kasama ko while you're busy sleeping." sagot niya habang tinititigan ang kisame.


Napatingin na din ako sa kisame. "Minsan lang siya pumunta doon, ah. Ano kayang trip ng lalaking iyon at sa library nagbasa?" mahinang bulong ko.


Nakita kong gumalaw si Amara kaya humarap ako sa kanya. Nakatalikod siya sa akin habang nakatalukbong ng kumot.


Bakit kaya?


<><><><><><><><><><>


MORNING  \(*u*)/


~Amara's POV~


Nagising ako dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana sa gilid ko. Dahan-dahan akong umupo at kinusot-kusot ang mata ko.


Uminat ako at tumingin sa paligid. Nakita kong nakabukas ang ilaw sa bathroom kaya panigurado, naliligo na si Summer.


Pumunta ako sa parang kitchen nila dito pero walang lutuan o kahit ano man. Isang maliit na lababo lang na may faucet (fresh ang tubig na lumalabas mula rito, ah) at lalagyan ng apat na baso.


Kumuha ako ng isang baso at pinuno ito ng tubig. Uminom ako mula rito at nagmumog.


Dinura ko ang tubig matapos ang ilang segundong pagmumumog. Nilagay ko ang baso sa mini-sink dahil huhugasan ko din naman ito mamaya.


Kukuha na sana ako ng gagamitin kong damit mamaya dahil hindi kami magsusuot ng uniform kasi Friday ngayon nang may marinig ako sa loob ng CR nang mapadaan ako dito.

The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now