Chapter 25

236 17 0
                                    

Chapter 25: Bomb


~Amara's POV~


Mahigpit kong hinawakan ang bola. Isa na lang, panalo ka na Amara. Isa na lang.


Unti-unti kong tinaas ang bola and...


"SHOOT!!"


Tumalon-talon ako saka humarap kay Winter.


"Panalo ako!"


Tumayo si Winter mula sa pagkakaupo niya at lumapit sa akin. Ginulo niya ang buhok niya.


"Bakit ikaw ang laging nananalo? May ganito ba sa mundo ng mga tao?"


Tumango ako. "Oo naman! Favorite ko kaya 'tong larong 'to." Tumingin ako sa basketball stand. "Hindi ko nga alam na meron din palang ganito sa Atticus. Sa mundong ganito. Hindi ko inaakala na meron din palang mga normal na bagay dito sa Atticus. Na merong--"


Naputol ako sa pagsasalita nang biglang bumigat ang likod ko. Yun pala, umakbay si Winter sa akin.


"Tama na ang kadramahan." Sabi niya saka kami lumabas doon sa Basketball Station. "Dahil ikaw ang nanalo, ililibre na lang kita."


"Ililibre? Ng ano?" tanong ko habang tinatanggal ang pagkaka-akbay niya sa akin pero ayaw niya talaga tanggalin.


"Merong corndog, ice cream, cotton cand—"


Napatigil ako sa pagtanggal ng kamay niya sa balikat ko. "Cotton Candy?"


Tumingin siya sa akin. "Oo. Bakit? Gusto mo?"


Agad-agad akong tumango kaya ginulo niya ang buhok ko.


Yes! Cotton Candy!


<><><><><><><><><><>


~Summer's POV~


Binato ko yung ring and...


"Ate, ate!" Tumakbo ako papunta doon sa nagbabantay dito sa station na 'to. Agad naman siyang tumingin sa akin. "Ate, oh! Na-shoot ko yung ring!"


Tumingin si Ate doon sa tinuro ko. Naglaro kasi ako kanina ng Shoot The Ring. Yung dapat ma-shoot mo yung ring doon sa bote.


"Ate, anong prize ko? Pwede ba yung panda na yun?" tanong ko sabay turo doon sa nakasabit na malaking panda na stuff toy.


Umiling si Ate. "Bawal yun, Miss. Lima dapat ang ma-shoot bago makuha yun."


The Lady in the ProphecyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora