Chapter 28

228 13 0
                                    

Chapter 28: Manifestation


~Amara's POV~


Mabilis na lumipas ang mga araw at isang linggo na akong nandito sa base ng Cassius.


Nararamdaman ko din na unti-unti nang nanghihina ang katawan ko dahil araw-araw nila akong tinuturukan ng pampamanhid at pampatulog para i-test ako.


Lagi nila akong dinadala sa Cassius. The reason? I don't know why.


Nakakapag-adjust na din ako sa kwartong ito. Hindi man ako makalabas at kaunti man ang pwede kong magawa, binibigyan naman ako minsan ni Jira ng pwedeng mabasa na mga libro.


Minsan na lang din ako umiyak at unti-unti na din akong nawawalan ng pag-asa na makakalabas pa ako dito. Ewan ko ba, pero komportable na ako dito.


Kinuha ko ang pangatlong libro na binigay sa akin ni Jira. Actually, Manga siya. Noong una, ine-expect ko na may kinalaman sa nakaraan ng Cassius at Atticus ang ibibigay niya sa akin. Pero, puro mga Manga lang ito.


"Finding the Lost Palace." basa ko sa title nito.


Binuklat ko ang libro mula sa likod at nagsimula nang magbasa.


Pero hindi ito nagtagal dahil biglang may nagsalita.


"Dear?"


Tumingala ako at nakita si Jira na may hawak na tray ng mga pagkain.


Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa akin at nilapag sa harap ko ang mga pagkain.


"Kain ka na, Dear."


Nilagay ko ang manga sa bedside table saka siya nginitian at nagsimula nang kumain.


At alam kong maya-maya ay dadalhin niya na ulit ako sa lab.


<><><><><><><><><><>


Unti-unti kong minulat ang mga mata ko saka nilibot ang tingin sa paligid.


May nakita akong mga taong nakasuot ng lab gown. Parang nagkakagulo sila at hindi maintindihan kung saan pupunta.


"Sir, I think the Attican is awake."


Attican? Ako kaya yun?


Nagulat ako nang may lumapit sa aking lalaki at tignan ang buo kong mukha.


Lumingon siya sa gilid niya at sumigaw. "JIRA!"


Nanlaki ang mga mata ko nang biglang lumitaw sa kaliwa ko si Jira.

The Lady in the ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon