Chapter 35

215 9 0
                                    

Chapter 35: A True Friend Knows Why



~Third Person's POV~


Pilit iniiwasan ni Emerald ang mga pinapatama sa kanya ni Arthur na mga dagger. Ngunit sa kanyang paghakbang patalikod, hindi niya naramdaman na may nakahandusay na katawan dito. Kung kaya't siya'y nawalan ng balanse at natumba.


Nakangising lumapit sa kanya si Arthur. "Nagpakahirap pa ako magtapon sayo ng dagger, isang katawan lang pala ang makapagpapatumba sayo."


Sinamaan siya ng tingin ni Emerald. "I'll never let you defeat me."


"You wish!"


Agad na naitutok ni Arthur ang kanyang wand kay Emerald. Gumawa siya ng freezing spell kaya hindi makagalaw si Emerald. Tanging ang kanyang ulo lamang.


"Arthur!"


Tumingin sa paligid si Arthur. Napansin niyang lahat ng Cassians ay busy makipagpatayan at makipaglaban sa ibang Attican.


Nang makasigurong walang nakatingin sa kanya, agad niyang tinanggal ang spell at hinatak si Emerald sa likod ng isang puno.


Tinitigan niya ang nagtatakang si Emerald. "B-Bakit?"


Ngumiti si Arthur. "Kaibigan kita, pero hindi mo alam ang totoo?"


Lalong naguluhan si Emerald. Kanina'y kita sa mga mata ni Arthur ang pagkagusto niyang patayin si Emerald, ngunit ngayo'y isang pilyong ngiti ang nasa kanyang mukha.


"A-Anong ibig mong sabihin?" sabi ni Emerald habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Arthur.


Ngumisi lang si Arthur saka muling hinatak si Emerald papunta sa gubat. Umakyat sila sa isang maliit na burol. Nang makita ang maliit na kuweba na dating tagpuan ng dalawa, ay pumasok sila dito.


"Anong ginagawa natin dit--"


"Lower your voice or they might hear us."


Sinunod ni Emerald si Arthur. Natahimik siya nang sandali ngunit nang maramdaman ang patak ng ulan, ay umusog siya paloob.


"Natatandaan mo pa ba?"


Napatingin si Emerald sa dating kaibigan. Nakita niyang nililibot ni Arthur ang mata sa maliit na kuweba.


"In those sad times, we chose to stay here and say our problems. In those happy times, we run 'till we get here and exchange jokes and laughs. But in those times, you chose him over me."


Bumalik sa alaala ni Emerald ang lahat ng mga pinagsamahan nilang dalawa. Hindi niya maitatanggi na marami din silang ginawa noong mga bata pa sila.

The Lady in the ProphecyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora