Chapter 27

225 15 0
                                    

Chapter 27: Missing Amara


~Amara's POV~


"Ouch!"


Napaupo ako sa kama nang makuryente ako bigla. Tinignan ko ang braso ko at mas lalo itong namula.


Two days has passed and I'm still locked up in this room. They even made an electric sphere around the bed just in case I planned on escaping.


Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas, hoping na sina Summer na iyon. Pero wala, umasa lang ako.


Pumasok yung Jira dito sa room. I don't know pero siya lang ang laging pumapasok dito. Siya lang at wala ng iba.


Lumapit siya sa akin at tumagos sa sphere. Ni-check niya ang katawan ko and I'm sure na napansin niya yung pamumula ng braso ko.


"Sinubukan mo na naman bang tumakas, Dear?"


I just ignored her and keep my head down.


Nag-chuckle siya. "You're as silent as ever."


Napasinghap ako nang hawakan niya ang braso kong namumula. Kinuha niya yung wand niya at tinutok dito.


Naramdaman kong unti-unti nang nawawala ang hapdi at ang pamumula kaya tumingala ako.


Binitawan niya na ang braso ko saka ngumiti. "Gutom ka na ba, Dear?"


Hindi pa rin ako umimik kaya tumawa ulit siya. "Wait here and I'll bring you some food. Okay?"


Tumungo lang ulit ako at hinintay na makalabas siya.


Naramdaman kong tumayo na siya at naglakad na papunta sa pintuan. Tumingala ako at nakita kong tumagos na naman siya sa electric sphere saka lumabas na ng room.


Tinaas ko ang dalawa kong paa at pinatong ito sa kama. Itinaas ko ito saka sinandal ang dalawa kong kamay.


Sumubsob ako saka tahimik na umiyak.


Kamusta na kaya sila? Hinahanap ba nila ako? O hindi nila napansin na nawawala ako?


Iyan ang mga katanungan na naglalaro sa isip ko simula nang ikulong nila ako dito. Lagi din akong umiiyak kapag ako lang mag-isa at kung gabi.


Ngunit, nananatili pa rin sa aking isipan ang mukha niya.


Ang mukha ng taong dumukot sa akin at nagdala sa akin dito sa base ng Cassius.


<><><><><><><><><><>

The Lady in the ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon