Chapter 21

274 13 0
                                    

Chapter 21: Prophecy Book


~Third Person's POV~


Cassian Palace


"Ano?!"


Napapikit at napatungo ang tatlong lalaki nang marinig ang malakas na pagsigaw sa kanila ng hari.


Dahan-dahang bumaba ang hari at pumunta sa harap ng mga ito.


"Inutusan ko kayong pumunta sa silid na iyon at hindi niyo nagawa?!" Mas napatungo ang tatlo dahil lalong lumakas ang pagkakasabi nito ng hari.


"G-Ginawa na po namin ang lahat ng maka--"


"Ginawa niyo ang lahat? Kayong tatlo ang pinakamatatapang at pinakamagagaling na sundalo sa Cassius. I sent you there because you three earned my trust. Pero anong ginawa niyo? Sinira niyo ang tiwala ko sa inyo!"


Napahawak ang hari sa kanyang ulo at nagsimulang maglakad pabalik-balik sa harap ng tatlong sundalo.


"Y-Your highne--"


Tumigil sa paglalakad ang hari at humarap sa kanila.


"You!" Tinuro niya ang nagtangkang magsalita kanina. "Arthur! Hindi ako makapaniwala na sa kinarami-rami ng pwedeng pumalpak, ikaw pa?"


Palihim na ngumisi si Arthur.


'Kung alam mo lang kung gaano kahirap kalabanin ang pinagtaksilan mong kaibigan.'


Yan ang mga sinabi ni Arthur sa kanyang sarili. Hindi niya ito masabi-sabi sa kaharap niya ngayon dahil alam niyang walang kapatawarang parusa ang ipapataw sa kanya.


"And you!" Napamura ng mahina ang katabi ni Arthur nang siya naman ang ituro ng hari. "I was about to abdicate the throne to you but you broke my trust, too. Inalagaan kita simula nang bata ka pa lang. Pero anong klaseng kapalit ito, Hubert?"


Bumuntong-hininga ang hari at bumalik na sa upuan niya. Sinenyasan niya ang alalay niya na gawan siya ng tsaa.


Agad namang naglakad paalis ang alalay ng hari at dumiretso sa gilid para gumawa ng tsaa.


Humarap naman ngayon ang hari kay Philip.


"You're not worthy for the love of my daughter."


Ang kaninang seryosong tingin ni Philip ay napalitan na ngayon ng gulat.


"A-Ano pong sabi niy--"


"You're.Not.Worthy.For.The.Love.Of.My.Daughter." mabagal ngunit may awtoridad na sabi ng hari dito habang kinukuha ang tsaa mula sa alalay niya.

The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now