Chapter 39

223 11 5
                                    

Chapter 39: Defeating Neon



~Third Person's POV~


Walang ibang magawa si Amara kundi ang sakyan ang ginagawa ni Winter. Umiyak siya nang umiyak.


"Winter!"


Pigil ang mga tawa ni Winter. Gusto niyang palakpakan at tawanan ang kaibigan sa galing niyang umarte.


Pumunta si Winter sa tabi ni Emerald. "Mom." mahinang bulong niya para hindi marinig ni Neon ang kanyang mga sasabihin.


"Winter?"


Napatingin si Arthur kay Emerald nang magsalita ito. "Sinong kinakausap mo?"


"S-Si Winter. Narinig ko siya."


"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Arthur.


"Ma, invisible ako."


Sa tatlong salitang iyon, alam na ni Emerald ang ginawa ni Winter. Magmula noong bata pa siya, ito na ang lagi niyang ginagawa.


Playing tricks.


"Winter, bakit mo yun ginawa?" humahagulgol na sabi ni Amara.


Napangiti si Winter saka tumitig kay Amara. Ramdam ang sincerity sa bawat linyang binabanggit niya. Napaisip si Winter, kung totoo siyang mamatay, ganun din kaya ang magiging reaksiyon ni Amara? Aalahanin at iiyakan din kaya siya nito?


Umiling-iling na lang siya para tanggalin sa isip iyon. Tumingin siya kay Neon habang iniisip kung anong atake ang kanyang gagawin na hindi siya mahahalata.


"Stop crying, bitch. Patay na siya, bakit mo pa iniiyakan?" malamig na sabi ni Neon.


Agad na tumingala si Amara saka siya sinamaan ng tingin.


"Let's quickly end this fight. I'm getting a little bored with this crying thing."


Tumayo si Amara saka pinunasan ang mga luha niya. "Gusto mo nang matapos 'to?"


Sa isang iglap, nasa kamay na ni Neon ang wand niya na kaninang pinatalsik ni Emerald. "I would love to."


"Paano ba 'to?" mahinang bulong ni Summer habang tinitingnan ang mga vines na nakapulupot sa kanya. "Kung nandito lang sana si Autumn,"


"Looking for me?"


Nanlaki ang mga mata niya. "A-Anong ginagawa mo dito?"


"Uh, para iligtas ka?" pamimilosopo ni Autumn.


The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now