Chapter 3

715 27 0
                                    

Chapter 3: Veggie Salad


~Amara's POV~


Tahimik kaming naglalakad ngayon nina Summer at ng Desu Clan papuntang Dining Chamber.


May 1 hour vacant kami ngayon kasi nagka-delay sa schedule ng Desu Clan. Katatapos lang namin sa Mystic Mastering.


Kanina, pinaalala sa akin ni Sir Rain lahat ng mga kaya kong gawin noon. Naguguluhan man, ay sinunod ko pa rin siya.


Hindi ko alam kung bakit pero matapos niyang tignan ang mga abilidad ko noon, tumigil na siya at tuloy-tuloy na lumabas sa silid.


Ano kayang meron?


Pagpasok na pagpasok namin sa Dining Chamber, pinagtinginan kami ng mga tao. Tumungo ako dahil hindi talaga ako sanay na ganito.


Tinignan ko ang mga kasama ko pero parang okay lang sa kanila na tignan sila ng mga tao. I mean, LAHAT ng tao kahit yung mga nagbabantay sa mga stations dito.


We headed to the right side of the chamber. Actually, this is larger than the original tables here. 


Nang makaupo na kami, may nagsidatingan na mga babaeng may dalang pagkain. Nanlaki ang mga mata ko nang ilagay nila iyon sa table namin.


Wow!


Hindi na pala namin kailangan tumayo para kumuha ng pagkain.


I looked at the foods and most of it are vegetables. I can only see a few meats.


Tinignan ko si Summer na katabi ko.


"What's the meaning of this?" sabi ko na ang itinuturo ay ang nangyayari ngayon sa chamber na ito.


"We, the Desu Clan, are the most important clan here in Astria. The Desu Clan consists of the most powerful Atticans in today's generation." proud na sabi niya.


Dahan-dahan akong tumango. "I get it. So you're saying that we must eat these kind of food to get stronger?" natawa siya siguro dahil sa pagsabi ko ng 'kind of food'.


Tumango siya.


Napatigil kami nang tawagin ako ni Autumn. "Amara, okay na ba ito para sayo?" tanong niya.


Tumingin ulit ako sa mga pagkain at dahan-dahang tumango.


"Then, let's eat!" sigaw ni Spring sabay lamon, este, kain pala.


Tumawa kaming lahat. Parang ilang buwang hindi nakakain si Spring dahil halos kunin niya na lahat ng mga pagkain na nakahain sa mesa.


Napailing na lang ako habang tumatawa. Kumuha na din ako ng kaunting veggie salad at nilagay iyon sa platito. Kumuha ako ng isang grilled chicken at kanin.


Tinikman ko ang veggie salad at namangha ako dahil sa sarap. I never thought veggie salad would be this yummy.


Sinunod ko naman tikman ang chicken at tama lang ang pagkaka-ihaw dito. Malambot ito at matamis ang sauce nito.


Kain lang ako ng kain. Ang sarap!


Narinig kong pinagtatawanan na nila ako dahil ang takaw ko.


Bakit ba? Kasalanan ko ba kung masarap ang luto nila dito sa Astria?


Nang matapos akong kumain ay hinimas-himas ko ang tiyan ko. 


Ang sarap. SUCCESS!


Tumingin ako sa mga kasamahan ko at nagulat nang makitang dahan-dahan nilang kinakain ang mga pagkain samantalang si Spring naman ay lamon lang ng lamon.


Hindi ko siya masisisi. Ang sarap kaya!


Nang matapos na ang lahat, ay tinawag ni Summer yung mga babaeng naglagay ng mga pagkain dito sa table namin. "Can you take out all these foods away? We have something very private to talk about." sabi ni Summer habang nakangiti.


The ladies gently nodded and started putting our foods away from our table.


Nang matapos na nilang linisin ang mesa ay may nilagay si Winter na mga papel sa table.


"What's that?" curious na tanong ko habang tinuturo ang mga papel na nasa mesa.


Humarap sa akin si Summer. "Iyan ang magiging gabay mo para ma-discover mo ang mystic mo." nakangiting sagot niya.


Naguguluhan akong tumingin sa kanya. "Bakit nasa Desu Clan ako? 'Di ba dapat, nasa Novice Department ako ngayon?" tanong ko.


Sa Novice Department itinuturo kung paano mo malalaman ang mystic mo at kung paano mo ito maco-control. Sinabi ito sa akin ni Lady Emerald noong pumunta kami noon sa office niya ni Summer para ma-enroll ako.


Dahan-dahang nawala ang ngiti ni Summer at naging seryoso siya. "You didn't listen carefully to Lady Emerald while she's speaking, don't you?


Umiling ako. Space-out ako nung time na yun. Ang tanging narinig ko lang ay ang pagsabi niya na sa Novice Department ako ilalagay.


"She explained what will happen to you. She said that you have to get along with us first, the Desu Clan because you have a powerful mystic you haven't discovered yet. After a few months, you will be transferred to the Novice Department to fully develop your mystic. She told me to don't say it to anyone except the Desu Clan." Summer explained clearly to me.


I nodded but one question is still in my mind. "Why do we have to hide it?" I asked.


Ngumiti siya sa akin. "You will not understand the reason why. But now, let's start with this." tinuro niya ang mga papel.


I smiled eagerly. "Fine! Let's start this!"

The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now