Chapter 14

303 18 0
                                    

Chapter 14: War of Ages


Hundred years ago


~Electra's POV~


Pagkalabas na pagkalabas namin sa silid ng hari, narinig ko ang paghikbi ni Terra. Lumapit dito sina Aqua at Hydro.


"Terra. Kalimutan mo na yung nangyari. Nakasisiguro akong pagod lamang ang hari sa ngayon." mahinahong sabi ni Aqua.


Galit na humarap ako sa kanila. "Pagod? Ganoon ba dapat mapagod ang isang hari? Kailangan ba talaga niyang pagalitan ang kanyang mga kapatid? Tumawa ng nakakatakot at parang nasisiraan ng ulo?"


Lumapit sa akin si Hydro saka nilagay ang kanyang kamay sa aking balikat. "Tama si Aqua, Electra. Siguro'y pagod lamang siya dulot ng mga ginawa niya ngayong araw."


Huminga ako ng malalim saka hinilot ang sentido ko. "Siguro pagod na din ako. Mauna na ako at kailangan ko nang magpahinga."


Umalis na agad ako doon matapos kong sabihin iyon. Narinig ko din ang pagsigaw nila ng pangalan ko.


Pahinga lang ang kailangan ko.


<><><><><><><><><><>


Sinaksak ko ang espada sa tiyan ng kawal habang umiiyak. Patay na sina Ate Aqua at Kuya Hydro.


Patay na sila at si Xander ang may gawa!


Lumingon ako sa paligid at nakitang ang daming katawan ang nakaratay sa lupa, punong-puno ng dugo. Nakakalungkot na kasama din dito ang mga kapatid ko.


Nanlaki ang mga mata ko nang tumigil ang aking tingin kay Terra.


Ang hari. Palapit ang hari sa kanya habang may dalang espada.


"Terra!"


Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya.


And in that exact moment...


"Ate Electra!"


Lumapit sa akin si Terra habang umiiyak. Lumuhod siya sa harap ko saka hinawakan ang likod ko para suportahan ang ulo ko sa pagkakabagsak. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin saka sa sugat na natamo ko.


Nasaksak ako sa sandaling malapit na ang espada kay Terra. Buti na lang at naitulak ko siya.


"Ate!"


Hinawakan ko ang pisngi niya habang nakangiti. Pinunasan ko ang mga luhang tumulo galing sa mata niya.

The Lady in the ProphecyWhere stories live. Discover now