Chapter Two

43.4K 893 43
                                    

Inabutan niya sa kitchen si Picie. Isang Filipina na assistant manager nila. "Oh! Pinapaabot ni Mr. Park." May inabot itong isang bungkos ng Pulang Rosas sa kanya. Si Mr. Park ay ang koreanong loyal customer nila.

Kinuha niya iyon at ipinasok sa trash can na naroroon. "Oh? Ba't mo itinapon?" Namamanghang tanong ni Picie.

Tumaas lang ang kilay niya saka kinuha ang clipboard na nasa biometric. Cashy send her an email last night. Hinihingi nito ang complete data ng attendance. Pipili na yata ito ng mga empleyadong ililipat nito sa Toronto sa pagbubukas ng bagong branch doon. "Aanhin ko naman 'yan? Hindi naman nakakain ang rosas na yan." Malamig niyang tugon.

Sa pagiging terror niya. Si Picie lang ang nakakasundo niya. Most of their employees ay ilag sa kanya. Hindi siya ang boss ng mga ito pero mas natatakot pa yata sa kanya. Who is she anyway? Dioann the ruthless frigid? "Subukan mo kayang iappreciate ang ganda ng bulaklak. Baka may maging kwenta." Sabi ni Picie na sinabayan ng taas ng kilay.

"Kailan ba ako titigilan niyang si Mr. Park na 'yan?" naiinis na sabi niya.

"Ang tanong, ano nga ba ang pinakain mo sa matandang Mr. Park na iyon? Na simula ng makita ka e nagpabalik balik na dito." And she's not proud of it. Man is like a vending machine. Maraming gustong ibenta. Maraming gustong ioffer para lang makuha ang presyong gusto nila.

Nilampasan niya ito at saka lumabas ng kitchen. Naguumpisa nang pumasok ang mangilan-ngilang customer. "Hayaan mo lang siya. Pasasaan ba't magsasaawa din ang matandang iyon." Walang kabuhay buhay na tugon niya.

Nakabuntot lang si Picie sa kanya. "Hello! Hindi kaya matanda si Mr. Park. He's actually hot hunk businessman. Kung ako lang ang type noon baka hindi pa siya nagtatanong oo na agad ang sagot ko." She just rolled her eyes.

Iba ang pamantayan nito sa edad. Para sa kanya, matanda na ang forty years old. At si Mr. Park ay nasa early forties na. Samantalang siya ay nasa middle twenties. "Bata pa si Mr. Park. Why don't you give him a try. Malay mo siya na pala ang soulmate mo." Sabi ni Picie na hinaluan na ng panunukso. "Hindi kana bumabata. Patanda kana, baka mamaya amagin ang matris mo hindi kana magkaanak."

Dahil sa sinabi nito, naalala niya si Onie. Walang kahit isa man sa mga kakilala niya dito ang nakakaalam na may anak na siya. Miski sa trabaho. Lahat ng legal documents niya ay walang dependent na nakasaad doon.

"Pwede ba Picie. Malawak na naman ang naaabot ng malikot mong utak." Ani niya. Lumampas ito sa gilid niya at saka sumandal sa service counter. "Balak mo bang tumandang virgin? Aba! Masarap kayang ihalinghing ang gaya ni Mr. Park, gwapo. Matipuno at madatung." Napailing na lang siya.

Hindi na niya gustong balikan ang bangungot sa buhay niya. "Mawawala 'yang kabitteran mo kapag may asawa at anak kana."

Sinamaan niya ito ng tingin. "Could you please stop? Kung gusto mo, bakit hindi ikaw?" At saka niya ito nilampasan.

Narinig pa niyang bumulong si Picie bago siya pumasok sa opisina ng boss niya at doon niya balak gawin ang trabaho niya.

"Ang cute-cute ng baby mo Dioann. Mukhang anghel." Nanatili siyang nakatagilid ng pagkakahiga. Nasa ospital pa siya. Katatapos lang niyang manganak.

Dumako ang mga mata niya sa relong nasa pader. At saka ipinasya niyang bumangon. "Hija, saan ka pupunta? Wala pang order si dok kung lalabas kana." Nagtatakang taong ng auntie precy niya. Mapalad na kinopkop siya nito. Pinsang buo ito ng kanyang ama. Nakapangasawa ng Canadian at ngayon ay dito na sa Winnipeg nakabase. Ang nagiisa naman nitong anak na si Drichelly ay kasalukuyang nagmamaster sa LA.

"Papasok ako sa trabaho ngayon tita. Ayokong masabihan na namang absent." Sabi niya. Isa siyang office assistant sa isang Law firm dito sa Winnipeg. Kahit napakalaki ng tiyan niya ay pinili niyang magtarabaho. May choice naman siya ku g magleleave siya. Pero mas pinili niyang wag.

"Susmaryosep kang bata ka! Kapapanganak mo pa lang. Maanong dito ka na muna at magpahinga at isa hindi pa dumedede itong anak mo." Hindi niya nilingon ang sanggol na hawak nito.

Dahan dahan siyang lumakad papunta sa sofa na naroroon para kumuha ng pamalit niyang damit. "May sterilized milk d'yan. Bahala na kayong magpainom sa kanya." Walang kagamit gamit miski isa ang sanggol. Hindi niya inabala ang sarili para doon. Kailangan niyang kumayod oara makaipon ng sapat na pera at makakuha siya ng pinakamahusay na abogado. Iyon ang mas mahalaga sa kanya----katarungan.

"Hindi na muna kita pipilitin. Sa ngayon ako muna ang bahala sa anak mo at sa iyo." Sabi ng ginang. "Ano nga palang ipapangalan mo sa kanya?" Bigla ay tanong nito.

"Bahala na kayo. Hindi naman mahalaga sa akin 'yon." Saka niya tinalikuran at pumasok siya sa banyo upang magbihis.

Ang auntie Precy niya ang nagpangalan kay Onie. At isinunod sa apelyido niya. Iniwaksi niya sa isip ang paslit at saka nagpatuloy sa ginagawa. Onie has nothing any good to do to her.






To be continued...




-------

That earthquake, kinalog niya ang natitirang takot sa pagkatao ko. Di takot para sa sarili ko. Kungdi takot para sa buong pamilya ko. So instead of, hugot ng hugot sa social media. Bakit hindi tayo sabay sabay na magdasal? Hindi para sa kaligtasan natin kung di para sa kaligtasan ng mundo. Dahil yang lupang nilalakaran mo ngayon ay lupang tatapakan ng anak mo pagdating ng panahon.

Happy reading.
Ai:)

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeOnde histórias criam vida. Descubra agora