Chapter Nine

36.5K 791 59
                                    

"Onie!"

Agad na lumingon batang nakatayo sa isang gilid ng building at tila may hinihintay. Nakatabi ito sa sidewalk. "Hello Mr. Jorge. Bonjour!" Good morning.

Nakangiting lumapit siya dito. "It's too early, what are doing here?"

Saka lang niya napansin ang back pack sa likod nito. "I'm waiting for my school service." Tipid na sagot nito.

Nilinga niya ang paligid. Nagiisa lang ito. "Where's your mom?" Nagtataka siya kung bakit nagiisang paslit lang ang naghihintay sa service nito. Not that, na delikado. Winnipeg is a safe city. Kaya lang nag aalala siya para sa batang gaya ni Onie.

Lumapit ang bata sa kanya at may ibulinulong. "Pumasok na po siya sa work niya." Doon kumunot ang noo niya. Anong klaseng ina mayroon ito at iniwan ang anak sa labas ng building at pumasok sa trabaho ng ganoon ganoon lang?

"Do you want me to drop you to your school?" pagaalok niya. Alam niyang kahapon lang sila nagkakilala pero pakiramdam niya ay matagal na niya itong kilala. Maybe, naaawa lang siya dito. Mukha kasi itong mabait.

Umiling ito. "Thanks but no thanks Mr. Jorge. Bilin po ni Lola ay wag akong sasama sa stranger." Sabi nito. Napatango siya. May lola pa pala ito.

Ngumiti siya. "But i already introduce myself to you. Remember?" Humawak ang isang daliri nito sa baba. At saka tumawa sa kanya.

"But still you are stranger to me Mr. Jorge." Nakakatuwa ang katalinuhan ng batang kaharap niya.

Napaisip siya sandali. Onie look so amusing. "Okay.. Let's have a deal. Let me to drop you in your school. Then, after your class. We'll have a ice cream snack. So, makikilala pa natin ang isa't isa." Magaan ang loob niya sa batang kausap. Hindi siya mahilig sa bata pero ng makita niya si Onie ay parang biglang nagkaroon siya ng hilig sa mga gaya nito.

Sandaling nagisip ito. "As much i want to Mr. Jorge pero baka po kasi magalit si Mommy. She promised me po kasi na susunduin niya ako mamaya sa school. And it's my first time na susunduin po ako ni mommy."

Lalong nagsalubong ang kilay niya. Sobra bang busy ang nanay nito? "I see.. Maybe next time?"

Tumango ang bata sa kanya. "Sige po. Isama po natin si Mommy. Para naman po makapagrest siya. Palagi nalang po kasi siyang nagwowork kaya wala na po siyang time sakin. Sabi po kasi ni Lola nagwowork si mommy para dumami ang pera namin at makauwi na po kami ng Philippines." Kwento nito sa kanya. Siguro work-a-holic lang ang ina nito.

Umupo siya sa katabi nitong bench. "So, where's your dad? Is he in the Philippines kaya ba hindi niyo siya kasama dito?"

Bumakas ang lungkot sa mga mata nito. Parang gusto niyang bawiin ang tanong niya at sabihin sa inosenteng bata na kalimutan nalang ang sinabi niya. Pero huli na. Bakas na sa gwapo nitong mukha ang lungkot na nababanaag niya ngayon. "Sabi po ni Lola nasa Philippines si Daddy. Nagwowork daw po siya doon para sa kin. Pero alam ko naman po na naglalie lang siya."

Hinawakan niya ito sa braso. "How made you say na naglalie lang sayo ang lola mo? I'm sure hindi niya gagawin iyon."

Tumingin ito sa kanya. Derekta sa mga mata niya. Parang Tumagos sa kanya ang sakit na nababasa niya doon. "Kasi palagi ko po sila naririnig ni Mommy na pinaguusapan si daddy. Sabi po ni Mommy bad si daddy. Sinasaktan niya po si mommy. Galit po ako sa kanya kasi naiyak lagi si mommy kapag naaalala siya. Ayoko po sa daddy ko!" Mariing sabi nito. May luhang tumulo sa mga mata nito.

Niyakap niya ito. Hindi niya akalain na may gaya pa ni Onie na mas masasaktan para sa magulang niya. Akala niya kasi ang mga batang gaya nito ay paglalaro lang ang alam gawin. "Ssshh.. Tahan na. What i told you little Man?"

Bumitaw ito sa kanya. "Big boy don't cry." Dugtong nito sa sinabi niya. He ruffled his hair at saka niya nginitian.

"I'm sure your dad loves you." Sabi niya dito. Walang magulang na hindi gugustuhin ang batang kagaya ni Onie. Malambing at mabait. Kung siya marahil ang tatay ng batang ito, siya na siguro ang pinakamasayang tatay sa buong mundo. Baka ipagsisigawan pa niya sa lahat na ito ang anak niya.





To be continued...

-------

Dalawang gentleman nalang po ang hihintayin nating umariba at maguumpisa na ang HERMOSA Señoritas.

GENTLEMAN series 11: Josue Tolentino
GENTLEMAN series 12: Raphael Padilla

Abangan po natin sa Hermosa ang mga anak nila. Hehehe.

P. S
Para po sa mga tinatanong ako kung bakit hindi nila ako mafollow. I really don't know why guys.. But it's not necessary naman po kung di kayo makafollow. Wala naman pong sex scene na kailangan itago sa mga kwento ko. Wholesome stories po ito.

Happy reading.
Ai:)

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon