Chapter Thirty Two

32.4K 706 62
                                    

Masayang nakikipaghabulan si Onie kay Jorge habang nasa dalampasigan ang mga ito. Dalawang bayan mula Fidel hanggang Sitio Matuwis ay may Beach Resort na kilalang kilala. Ang Banua de Puego Azul. Dalawang gabi na sila dito. At enjoy na enjoy naman si Onie. Sobrang saya nga daw nito. Marami na raw itong naipon na memories na ikukwento nito sa mga kaklase nito pagbalik nila ng Manitoba.

At tungkol sa pagbabalik nila. Nakausap niya noong nagdaang gabi si Atty. Rosales nagpakuha na daw ito ng sariling imbestigador para sa kaso niya. Nauubusan na raw kasi ito ng pasensya sa pulisya ng bayan ng San Agustin kung saan siya huling nakita bago ang krimen.

Nababahala man ay inisang tabi muna niya iyon. What important now is, ang makita ni onie na okay siya at masaya. Kapag kasi nanay ka, mas mauuna mong isipin ang kapakanan at kaligayahan ng anak mo. Na ngayon lang niya natutunan dahil sa pagkabulag niya sa galit.

"Mommy ang daya naman po ni Daddy Jorge eh!" Sumbong ni Onie sa kanya. Bitbit nito ang asul na Frisbee.

Lumapit ito sa kanya at agad na pinunasan ito ng pawis. Hindi na niya sinuway ito sa tuwing tatawaging Daddy si Jorge na mukhang gustong gusto naman ng huli. Lantaran na rin ang panliligaw na ginagawa nito. Naging vocal na rin ito sa kung ano man ang gustong ipahatid sa kanya. "Buti pa kumain na tayo. Kanina pa kasi kayo naglalaro." Sabi niya sa dalawa.

Nang tignan niya si Jorge ay may hawak itong tuwalya at pilit na inaabot ang likod para punasan. Napapaawa naman siya kaya matapos punasan si Onie ay lumapit siya dito. "Let me." Inagaw niya dito ang tuwalya at siya ang nagpunas sa likod nito na may konti pang buhangin.

"Ang sweet naman ng magiging misis ko." Biro ni Jorge sa kanya. Napapahiyang hinampas niya ang likod nito.

"Loko ka. Di mo pa nga ako Girlfriend, misis agad." Aniya. Mabuti na nga lang at nakatalikod ito sa kanya kaya hindi nito nakikita ang pisngi niyang namumula na. "Bakit? Doon din naman ang punata natin kapag sinagot mo na ako ah. " Hindi niya alam kung dala ba ng kilig o ng init ng panahon kaya pakiramdam niya ay pulang pula na ang pisngi niya.

"Magtigil ka ngang lalaki ka. Tapusin mo muna ang panliligaw mo." sabi niya saka nilampasan ito at inakay niya si Onie papasok ng Hotel na pansamantalang tinutuluyan nila dito sa beach resort.

Umagapay ng paglalakad si Jorge sa kanila. "Kailan mo ba kasi ako sasagutin?" Tila naiinip na tanong nito.

"Ilang araw ka palang nanliligaw nagtatanong kana? Mala-palos karin Mr. Felipe." Biro niya.

"oo nga, ilang araw palang. Pero may sampung taon na kitang pinapangarap. Di pa ba sapat 'yon."There's a tiny little butterflies that wiggling inside her tummy. Para silang mga ipo ipo sa loob ng tiyan niya.

Tumuloy sila sa buffet restaurant at naghanap ng bakanteng mesa. May iba't ibang dish ang inihahain dito. May oriental, may international at exotic. Pero mas paborito parin niya ang authentic pinoy foods.

Sabay silang tumayo. "Onie, stay here okay. Mommy will get our foods."

Tumango si Onie at nagpokus na sa iPod niya. "Yes mommy!" Inakay siya ni Jorge papalapit sa buffet. Pero biglang tinawag siya ni Onie kaya sabay silang napalingon. "I want grilled cheese sandwich mommy!" Tumango nalang siya.

Si Jorge ang humawak ng tray nila at siya naman ang pumipili ng pagkain. And when they are both done. They headed back to their table. "Ito lang ba ang gusto mo? We can order more. Pwede tayong magpaluto." Sabi ni Jorge.

Umiling nalng siya. "No, okay na yan. Saka masyado na yang marami. I'm sure Onie won't eat so much dahil marami siyang nakaing pasta kanina." Nagkibit balikat nalabg si Jorge at saka naglakad na silang sabay. Pagkalapag ng pagkain ay saka siya nagsalita. "Where's my Son?"

Luminga siya. Wala si Onie sa upuan kung saan iniwan nila ito. Her heart hammered so hard. Bigla ay tinambol ng kakaibang kaba ang puso niya. "Jorge.. Nasaan si Onie?" Kianakabahang tanong niya. She knew her son. He wouldn't go anywhere unless he ask her first. Nagpapaalam si onie kapag aalis ito. Kapag pupunta sa comfort room o kaya ay maglalaro.

They saw a waitress at si Jorge ang nagtanong doon. Siya naman ay gumala sa paligid. Masyadong dumadagundong ang dibdib niya. Oh! Please.. Where are you my Son?






To be continued...




--------

Note: para sa mga babasahin at susubaybayan palang ang Nude (Shane and Gregory) i suggest basahin niyo muna ito. Dahil narito ang twists ng kwentong iyon. Well kung ayaw niyo naman ay okay lang.. No biggie.

Happy reading.
Ai:)

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeWhere stories live. Discover now