Chapter Fourteen

37.4K 837 34
                                    

"Hello Mr. Jorge!"

Narinig niya ang tinig ni Onie mula sa salas habang siya'y nasa kusina. Gumagawa siya ng breakfast nila. Four days matapos mailabas si Onie sa ospital ay pansamantalang nagleave muna siya sa trabaho. Nang tanungin siya ni cashy kung bakit. My son needs me. Nagulat pa ito sa rebelasyon niya.

There's no need for hiding her son. Panahon na para ipagmalaki naman niya ito sa buong mundo. Noong una ay naguguluhan la si Cashy but in the end ay mas pinili nitong paniwalaan siya. Sa ngayon, focus siya sa pag aaalaga kay onie.

She gave her full time mother care to him. Bitbit ang Cinnamon waffle na ginawa niya ay inabutan niya si Mr. Felipe sa salas nila. Agad itong tumayo at ngumiti sa kanya ngunit inirapan lang niya.

Hindi pa niya nakakalimutan ang ginawa nito sa kanya. Na balak pala siyang isuplong nito sa social welfare office. "Mommy can we invite Mr. Jorge to join us today?" tanong ni Onie sa kanya. Inabutan niya ito ng gatas.

Balak nilang mamasyal ngayon. Tumingin si Mr. Felipe sa kanya. Tila humihingi ng permiso. "Baby.. Baka maraming ginagawa si Mr. Felipe. Nakakahiya naman sa kanya." Sandaling natahimik si Onie. Tumingin ito kay Mr. Felipe.

"Mr. Jorge, are you busy today? Diba nagpromise kang sasama ka mamasyal?" Her Son was so attached to him. At nakikita niya iyon. Palaging bukambibig ito ni Onie. Mula sa kung paani sila nagkakasundo sa maraming bagay.

Bagay na ipinagtataka niya. Onie was never attached to any other Man kahit noon. Hindi man niya naranasang bantayan ang anak niya. Pero alam niyang hindi naging malapit ito sa kahit na sinong lalaki. Alanganing ngumiti sa kanya si Mr. Felipe. Naiinis pa rin siya sa ugali nito. Nakikipagmabutihan ito sa anak niya na parang magkaano ano sila. Oo nga't ito ang nagdugtong sa buhay ng anak niya pero wala itong karapatang panghimasukan ang buhay nilang mag ina. Umismid siya. Na tila naman mas kinaaliw nito. "H-Hindi naman. And when i promised something. Hindi ko sinisira iyon."

Masayang ngumiti si Onie at saka bumaling sa kanya. "Mommy.. Kasama po natin si Mr. Jorge mamaya." He beamed.

Ngumiti siya sa bata. "Alright baby. But first, finish your breakfast muna." Maganang kumain ito. Panay ang pakikipagkwentuhan nito kay Mr. Felipe.

Bumalik siya sa kusina nang tumunog ang cellphone niya. Si Picie. Agad niyang sinagot iyon. Excited na siya sa balitang sasabihin nito. "What's up Picie? Did you find one?" Agad na tanong niya.

Bumugtong hininga ito. Something like, she has a bad news. "I'm sorry Dioann. Pero nireject ng abogadong kilala ko ang kasong pinabasa mo. Matagal na daw ang ganoong kaso. And he absolutely right na mukhang mababasura lang iyon dahil wala naman daw matibay na ebidensya maliban sa statement ng biktima."

She groaned in frustration. Napasabunot siya sa buhok. Matapos sukuan ng dating abogado niya ang kaso niya. Naghahanap muli siya ng bago. Ang she asked Picie's help para doon. "Kanino ba kasing Rape case ito at ikaw ang nagtuturete maghanap?" Tanong ni Picie sakabilang linya. Hindi niya maamin dito na siya mismo ang nagpapahanap ng abogado. Una, nahihiya siya. Pangalawa, natatakot siyang sabihin dito. Natatakot siyang may ibang tao ang makaalam ng madilim niyang nakaraan. Natatakot siyang pandirihan siya ng ibang tao lalo pa't may Onie na siya sa buhay niya. May batng magsisilbing rebulto ng pangit na nakaraan. Pero hindi tamang ang bata ang mapagbuntunan ng kutya. Itatago niya ang tunay na pagkatao nito hanggang sa kahuli hulihang hininga niya
Dahil ang masaktan ito mula sa madilim nitong pagkatao ang kahuli-hulihang bagay na mararamdaman nito.

"Abogado? Kailangan mo ng abogado?" Napakislot siya ng marinig ang tinig ni Mr. Felipe sa likuran niya.

"How long have you been there?" Masungit na tanong niya.

He chuckled. "Ngayon lang. I just wanna ask some glass of water when i butt in. I'm sorry." Ibinaba niya ang tawag kahit nagsasalita pa si Picie sa kabilang linya. Isinilid niya ang cellphone sa bulsa at hinarap ito.

"Next time, wag kang makikisawsaw sa usapan ng iba." Aniya.

"Nagtatanong lang ako. Baka kasi may maitulong ako." Sagot nito. Umirap naman siya. Feeling ng lalaking kaharap niya ay si Superman ito. Na kaya nitong lutasin ang lahat.

Humalukipkip siya. "Fine. You want to help? Find me a intelligent, good and reliable Lawyer. Yung magaling."

Tumango ito. What kind of lawyer do you need?"

"Criminal Lawyer."

Tumango tango ito. "I knew one. And he's the best. Kaibigan ko siya. Wala pa siyang kasong hindi niya naipanalo. At naniniwala ako na kung ano man yang kasong ipapahawak mo sa kanya. Ay kayang kaya niya."

Nabuhayan siya ng pag asa. "So nasaan siya ngayon? Saan ko siya makikita?"

"Philippines."




To be continued...



-------

Jorge name wasn't really his name. Dapat po talaga ay Jordan yan. Kaya lang may kakilala po kasi akong bakla na Jordan din ang pangalan. So every time na magsusulat ako ay si Jordan na kakilala ko ang naiisip ko. He is too shy and talande para maging hero ko. Hehehehe.. Kaya pinalitan ko. Kaya sorry guys kung feeling niyo wala si Jorge sa Bible. Pero ang alam ko kasi ay tagalog ang name na Jordan at ang English niya ay Jorge un po ang pagkakaalam ko...

Happy reading.
Ai:)

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ