Not an Update

33.4K 442 39
                                    

My beloved readers,

I haven't thank you all guys, masyado akong naging busy nitong mga nakakaraang araw. I have to focus on my previous job and prepare for another mind-shattering job hunting ngayong buwan. Hopefully makahanap agad and get hired. Baka maiga ang bulsa ko. Apektado ang wattpad dahil sa internet. Hehehe.. Need to earn more money para sa internet. Hehehe.

Anyway-highway, gusto ko po kayong palasalamatan lahat. For the effort and appreciation. Feeling ko sobrang galing ko para hangaan niyo. After i post the epilogue of this book. Sunod sunod ang natatanggap kong FR, message here in watty and PM's sa messenger. May mga nagpopost pa sa watty. Isama pa ang comment box. Hindi niyo alam pero sobrang pinasasaya niyo ako.

Ang pakiramdam ko ay ang galing galing ko. Mas nabibigyan ako ng inspiration na gawin talaga ang gusto ko at hiling ng puso ko. Isa pa po sa gusto kong ipagpasalamat sa inyo ay umabot ang GENTLEMAN series 10: Jorge Felipe sa #18 in General Fiction super nakakatouch po.. Hindi ko naman naiimagine iyan. Maraming mas sikat, mas magagaling at mas mahuhusay. I'm just a simple "ate" na ang hilig lang ay magsulat ng magsulat.

Ten years old ako ng una akong magsulat. Scripted type pa. Yung ang format ay ganito.

Ai: Bilisan mong tumakbo! (Sabi niya.)

Hahaha. Kinda very funny. Sa yellow pad pa ako nagsusulat. And when i reached at 14 doon ko naisip na. Bakit di ako maginnovate? Nagtitipod ako ng baon sa school para makabili ng mga spiral notebooks. Then ako ang nagdedecorate at naglelettering sa pabalat ng notebook. Bumibili din ako ng maraming ballpen para doon. Kung dati sa yellow pad ako nagsusulat, sa notebooks naman. Super saya ko kaya pinupuri ng mga kaschoolmate ko na nanghihirap ng novel sakin. Na bukod sa maganda daw ang penmanship ko e magaling daw ako magsulat. Doon napansin ng mga teachers ko noong highschool ako. Kaya naman nang makakuha ko ang aking first ever sash as Best Script Writer for English Literacy noon. Halos magpapadyak ako sa tuwa. Samantalang small theater play lang naman iyon. Common students at classmates lang ang naroon. And the judges are some faculty teachers.

Kaya dahil sa mga encouraging words niyo. Mas determinado akong sumubok na sumali sa isang local writing workshop na kung saan magkakaroon ng pagkakataong makapaglatha ka ng sarili mong libro. Kayong lahat ang inspirasyon ko.

Marami pong salamuch...

MyOwnOpinionAboutTheStory:
Hindi ko ito sasabihin dahil ako ang nagsulat. Sasabihin ko ito dahil isa rin akong mambabasa.

Si Dioann, Jorge, Jeremy at ang lahat ng karakter sa kwento ay may kanya kanyang dahilan. May kanya kanyang role. Pero iisa lang ang gusto nilang lahat. Hustisya. Hustisya para sa mga puso nilang nasaktan. Hustisya para sa mga mahal nilang nawala at hustisya para sa mga nasira nilang buhay at pagkatao. Sa lahat yata ng mga kwentong alam ko. Sila ang mga karakter na binubuo ng iba't ibang pagkatao.

Si Dioann na, nilamon ng galit at kinalimutan ang responsibilidad bilang ina at magulang. Marami siyang bagay na gustong makalimutan. Gustong mawala. Pero sa kalaunan ay natutunan niya na mahalagang matuto siyang tumanggap ng pangit na nakaraan. Hindi naman kasi palaging maganda ang kinakalabasan ng buhay.

Lahat sila ay may iba't ibang mukha ng pag asa. Pag asang kaya nilang mabuhay ng malaya sa likod ng mga pangit na oras at pag asa na kaya nilang patawarin ang kanilang mga sarili at ang mga taong nanakit s akanila.

-----

I would love to post a Special Chapter kaya lang maiispoil kayo. Let's wait for Onie's surprise. Abangan niyo po siya sa pagbubukas ng HERMOSA Señoritas. (Lahat po ng mga anak na lalaki ng Gentleman ay karaktet doon.) abangan po natin silang lahat.

Maraming salamuch po.
Lab you guys,
Ai:)

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeOnde histórias criam vida. Descubra agora