Chapter Eleven

34.5K 835 95
                                    

"The bleeding and increased pressure on the brain and from a subdural hematoma can be life-threatening." The doctor paused. Tila inalalayan ang bawat salita nito. "Some subdural hematomas stop and resolve spontaneously; others require surgical drainage." She was just mind-listening. The doctor declared what really happened to her child after the high speed vehicle accident. Her child? Why she suddenly get concerned? "So we required your faith and prayer Ms. Victorio. This operation might not get so easy."

Tumanho siya. They need to scrape and drill Onie's head. May mga dugong na-stock sa ulo nito. Nanghihinang napaupo siya sa steel chair na nasa labas ng operating room. Maya maya'y muling bumukas iyon at lumabas ang lalaking kahapon lang ay pinagsasabihan siya tungkol sa pagiyak ni onie.

Agad siyang napatayo. "How is he?" Mabilis na tanong niya. Bumaba ang mga mata niya sa braso nitong may band-aid.

"Nakunan na nila ako ng dugo." Tipid na saad nito. Luckily ay kamatch nito ang anak niya. Type O negative ang hinahanap nila. At sa kaso ni Onie ngayon, labis labis ang pangangailangan niya.

"T-Thank you." She don't know what to say. Ito ang nagtakbo sa anak niya dito sa ospital at ngayon ay dugo rin nito ang magsasalba at magbibigay buhay muli sa anak niya.

Anak na buong anim na taon niyang tinalikuran. "I was with him, when he run across the road..."

"Si mommy na po iyon Mr. Jorge!" The kid run so fast that he couldn't see the car on his side.

"Onie! Wait!" Huli na. Nabangga ito ng sasakyang nasa likuran nito. He saw how he rolled on the road and shut his eyes close together with his head bleeding so hard.

"Your child thought na ikaw yung nakita niyang bumaba sa sasakyan. Kaya mabilis siyang tumakbo." Nagbara ang lalamunan niya. "Ang tagal ko siyang katabi sa bench sa labas ng school niya. Nadaanan ko siya doon, nang pabakik na ako sa apartment. Nakipagkwentuhan ako sa kanta hanggang sa... Nangyari ang lahat." She felt guilty. Kasalanan niya.

She never been a good mother to her own child. And now, he is inside the operating room. Fighting for his own life. Yung takot na pumaloob sa kanya kanina ay hindi niya maipaliwanag. Bigla ay nilamon siya ng matinding takot at panghihinayang. Paano kung huli na? Mariin siyang napapikit. Masaganang luha ang tumulo sa mga mata niya.

Pinagsisihan niya ang mga oras na binabalewala niya ang anak niya. Mga oras na sana ay ginamit niya para maging mas makabuluhan ang buhay bata ni onie. Bakit nga ba nakalimutan niyang ina siya? Ina na dapat ay siyang kumakalinga sa kanyang anak? Mahal naman kita anak.. Kaya lang.. Kaya lang.. Kapag pala ang anak na ang pinaguusapan nagiging mabigat sa dibdib ang lahat.

Natatakot siya. Paano niya babawiin ang mga araw araw na pambabalewala niya dito? Paano niya babawiin ang mga oras na sana ay tinanggap niya ang lahat.

"Onie is your child Dioann. Nagkamali man ang ama niya. Pero hindi nagkamali ang Diyos naipagkaloob siya sayo. Alam kong mahal mo ang anak mo. Nahihirapan ka lang tanggapin." Auntie Precy said.

Narealized niya ang lahat ngayon. May anak nga Talag siyang matagal na siyang minamahal. Na paulit ulit niyang itinatanggi sa isip niya na sa kanya nagmula. Masakit sa isang ina na ikaw ang nagbabantay sa kalagayan ng anak mo na nasa loob ng operating room habang nakikipaglaban sa kamatayan. Pero mas masakit sa inang gaya niyana hindi nagbigay ng pagkakataon sa isang anak na gaya ni onie na gawin makabaluhan ang pagiging isa niyang bata. Nakalimutan niyang may anak siyang palaging siya ang hinahanap. Ang hinihintay.

Bakit hindi niya nga ba naisip na parte ng buhay niya si Onie? At ngayon, nagsisisi siya sa mga maling nagawa niya. Sana lang ay hindi pa huli ang lahat para maging ina siya dito.



Sana lang...





To be continued...




GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeWhere stories live. Discover now